chapter 54

98.6K 1.7K 104
                                    

CHAPTER 54

Lahat ng tao na nakakakita sa kanila ay sobrang nabigla, hindi nila akalain na gagawin ni Dominic at Uriah 'yon para kay Agatha. Kahit ang iba ay nagtataka kung bakit ganoon nalang ang pag-aalala ng mga lalaking ito sa babaeng 'yon.

"Sino ba 'yan at pinag-aaksayahan ng oras ng G-members?"

"Ewan, ngayon ko lang nakita 'yang girl na 'yan."

Aniya ng mga gulat na estudyante.

Mabagal at nanginginig na inaangat ni Agatha ang kamay n'ya. Dahil ito sa hindi n'ya alam kung sino ang pipiliin. Pakiramdam n'ya ay hindi n'ya alam kung ano ba ang tamang gagawin. Lalong nagpapatindi ng kaba niya ay ang mga matang nakatingin sa kanila. Ang iba ay nanlilisik at matalim ang tingin sa kanya.

" Let's go." matabang na sabi niya sabay yumuko ng kaunti at nilahad ang kamay sa tapat ni Agatha, kaya naman si Agatha ay agad na ibinaling ang tingin sa kanya.

"OMG girls! Look! Unbelievable!"

"No my Ethan! Sino ba talaga ang babaeng 'yan nakakainis na!"

Lalong nabigla ang mga tao ng dumagdag si Ethan, sa ngayon ay tatlo na silang andoon at nakalahad ang mga palad.

Maluha-luhang tinignan ni Agatha ang kapatid at dali-dali niyang hinawakan ang kamay nito. Sa mga titig n'ya parang sinasabi n'ya kay Ethan na ialis na siya sa lugar na 'yon dahil pakiramdam n'ya ay tutulo na ang luha n'ya. Tila gusto na niyang umalis sa sitwasyong 'yon/

" Wag ka dito umiyak." mahinang sabi ni Ethan sa kapatid.

Agad na napalunok si Agatha sa sobrang pagpipigil sabay tango. Tinulungan siya ni Ethan tumayo, tutulong pa sana sila Uriah at Dominic kaso pinigilan n'ya kaagad ang mga ito.

"Don't bother, ako na bahala sa kanya."

Nagising naman mula sa pagkakabigla sila Faye kaya dali-dali itong lumapit kay Agatha at inalalayan din itong lumakad palabas para pumuntang clinic. Pero bago pa sila tuluyang makalabas ng gym ay mas minabuti na lang ni Ethan na buhatin si Agatha para hindi na ito mahirapan pa.

Natahimik ang lahat, habang si Dominic at Uriah ay nanatili sa kinatatayuan nila. Tahimik lang sila at hindi nagtitinginan.

Maingat at tahimik naman na naglabasan ang ibang mga tao, malamang naisip nila na uminit ang ulo nila Uriah kaya kailangan na nilang umiwas. Panigurado paglabas ng mga estudyante ay matinding tsismisan ang gagawin ng mga ito.

Hanggang sa lumapit na sila Jonas sa dalawa, inakbayan nila ito at parang sinasabi na umalis na sila doon dahil mukha na silang tanga. Hinayaan lang ni Dominic at Uriah na tangayin sila palabas ng mga kasama pero nananatili sa mukha nila ang pagiging seryoso. Ngunit pumalag din si Uriah at tinanggal ang kamay ni Jonas mula sa pagkaka-akbay sa kanya.

" Chill lang... dalian natin may kailangan pa tayong turuan ng leksyon." kalmado ngunit halata ang inis sa boses ni Jonas. Seryoso siyang tinignan ng mga kasama "Bago pa makaalis 'yong pumatid kay Agatha kanina."

Sa Clinic...

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon