chapter 45

104K 1.8K 149
                                    

CHAPTER 45

Agad kong inilapag ang bag ko at nilapitan kaagad siya. Natataranta ako, ano na naman ba ang ginawa niya.

" Boss!"

Lumuhod ako sa harap ng sofa at chineck siya. Nagkalat ang dugo sa braso at suot niya. Pati ang sofa nalagyan na!

" Hoy Uriah! Umayos ka nga."

Naamoy ko ang pabango niya maging ang alak na ininom niya. Pinilit ko siyang itulak para itagilid mula sa pagkakadapa niya.

Napalunok ako bigla. Buhay pa ba siya? Kinakabahan ako ng sobra. Nakipag-away na naman yata siya. Nakapikit lang siya at parang walang nararamdaman. Hinanap ko kung nasaan ang sugat niya at doon ko nakita ang malaking hiwa sa braso niya.

Napahawak na lang ako sa noo ko at napapikit. Ano na naman ba ang pinasok niyang gulo? Kaya siguro kanina pa ako kinakabahan dahil may mangyayari pala sa kanya.

My relief dahil sa braso lang siya nasugatan at hindi sa delikadong parte ng katawan.

" Hoy! Gising! Pumunta tayong ospital! Ano ba? Gising!"

Nanggigil na ako. Pinagpapapalo ko na siya pero hindi pa rin siya nagigising.

" Uriaaahhhhhh!"

Hindi na ako nakapagpigil at sinabunutan ko na siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naiinis ako sa kaniya dahil hinahayaan niya lang na ganyan ang sarili niya. Engot talaga! Naiiyak na ako. Parang sira naman kasi 'tong si Uriah.

" Aww shit!"

Napatigil ako sa pagsabunot sa kaniya nung bigla siyang nagreklamo. Binitawan ko kaagad siya at pinakalma ang sarili ko. Napadilat siya ng kaunti at tiningnan ako sabay pikit ulit. Noong pagkadilat niya may napansin ako...

Parang namumula at namumugto ang mata niya.

Umiyak ba siya? Hindi ako sigurado.

" Tumayo ka na! May sugat ka! Ano ba? Pumunta tayong ospital. Nakipag-away ka na naman ba?"

Umayos na siya nang higa at parang walang balak bumangon. Inangat niya ng kaunti ang braso niya at dumilat saglit para tingnan 'yon.

Pagkatapos noon ay ibinaba niya ulit 'yon sabay pikit.

Halos magsalubong na ang kilay ko. Lasing nga siya. Paano ko siya iiwan kung ganito ang kalagayan niya? Naalala ko na ayaw pa lang niyang pumupunta sa hospital.

" Boss..."

" Hindi ko kailangan ng doctor para lang magamot ang sugat ko sa braso. Kaya kong gamutin 'to kaya umalis kana."

'Yong boses niya husky at halatang nakainom. Grabe talaga siya, kahit yata mag-aagaw buhay na hindi pa rin siya pupunta ng ospital. So, aware pala siya sa sugat niya pero hinahayaan niya lang ang sarili niyang ganyan. Sa bagay, malayo naman sa bituka ang sugat niya pero malaki pa rin ang hiwa sa braso niya at dumudugo pa rin 'yon.

Habang ako sobra ang pag-aalala at halos maiyak na, siya naman walang pakealam sa sarili niya. Paano niya magagamot ang sarili niya kung lasing siya?

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon