chapter 34

107K 1.9K 76
                                    

CHAPTER 34

" Agatha!"

Nararamdaman kong may yumu-yugyog sa akin pero hinayaan ko lang at nanatili akong nakapikit. Istorbo naman 'to. Inaantok pa ako.

" Hoy! Dalian mo... Kanina ka pa ginigising 'di ka man lang nakakaramdam."

Sabay hila niya sa kumot na gamit ko, tapos ay naramdaman ko na lang na may dumidila sa mukha ko. Pasaway talaga. Hinawakan ko siya at niyakap pero, sige pa rin siya sa pagdila sa mukha ko.

Unti-unti kong minulat ang mata ko.

" Stop Chuchi..." saway ko, na halatang inaantok pa dahil sa boses ko.

" Hoy bangon na! Tanghali na kaya. Uuwi na tayo! Teka! Bakit may bote dito? Don't tell me uminom ka?"

Sigaw sa akin ni Chin at hinampas niya ako sa binti. Masakit 'yon ah! Unti-unti akong bumangon at hinampas siya ng unan.

"Sira 'di akin 'yan!"

Siguro 'yon ang naapakan ko kaninang madaling araw kaya ako nadulas. Bote pala 'yon ng alak... maybe kay Nicolo 'yon or Uriah, pero tingin ko kay Uriah nga 'yon. Kasi ang himbing ng tulog niya 'di ba at hindi pa siya magigising kung hindi pa ako nadapa kanina.

Buti hindi na masyado masakit ang butt ko. 10:30 am na pala, grabe late na ako nagising sabagay late na rin ako natulog. Nahirapan akong matulog sa totoo lang. Kung anu-ano kasi naiisip ko.

Buhat-buhat ko si Chuchi at lumabas na kami ng kwarto ni Chin. Pinakain ko na siya ng dog food tapos naghilamos na muna ako.

Nasa labas sila ngayon at busy sa paglangoy habang ang iba ay nag-iihaw at naghahain ng pagkain.

" Oh gising ka na pala." Sabi ni Jonas sabay gulo sa buhok ko. " Hoy! Umahon na kayo, kain na tayo at aalis na tayo pagkatapos!" sigaw niya kina Demi na naliligo sa dagat.

Hala! 'Di man lang pala ako makakapagswimming ulit.

Umahon na sila Nicolo at tumakbo palapit sa amin. Si Faye natanaw ko din at mukhang tapos na magshower.

" Good morning Bes!"

Bati niya sabay halik sa pisngi ko, mukhang good mood siya ngayon at wala ng tama. Isa-isa silang umupo at halatang excited kumain.

" Tsk, buti naman nagising ka na... talagang hinantay ka pa naming magising para sabay-sabay tayong kumain." medyo sarkastik na sabi ni Nicolo.

Tiningnan ko lang siya nang nakakaloko. Umupo na rin si Doms at mukhang kanina pa siya nakapagbanlaw . Ready na siya para sa pag-alis mamaya. Nginitian niya ako tapos binati ng good morning. Ngumiti lang din ako.

'Huwag ka mailang sa kaniya Agatha.'

Okay na kaya sila ni Uriah? Feeling ko hindi pa. Si Nicolo sige ang kuha ng picture sa amin.

Kompleto na ang lahat, nakahain na ang pagkain pero may kulang pa pala...

" Haist, kanina si Agatha ang hinihintay natin tapos ngayon si boss naman. Gutom na ako!" pagrereklamo ni Kurt. Nasaan nga pala 'yon?

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon