chapter 28

122K 1.9K 184
                                    

CHAPTER 28

Mas lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ko. Hindi pa man nagsisimula ang debate napaka-hyper na ng mga 'to. Iba talaga kapag inlove ang teacher mo. Pati ang lesson e, full of love.

Bakit sa dinami-dami ng topic bakit 'yon pa? Pana-panahon nga naman. Sa totoo lang kasi ay namomroblema din ako sa nararamdaman ko.

Ilang araw na rin ako 'di makatulog ng maayos. Noong una si Dominic lang ang gumugulo sa utak ko pero ngayon pati si Uriah. Masyado kasi siyang magulo e... masungit tapos minsan mabait at bigla-bigla na lang magpapakita ng concern tapos magagalit ulit. Ang gulo 'di ba?

" Leaders, panatilihin n'yong maayos ang palitan ng mga salita ng bawat magkalaban. No foul words, okay? And leaders, kapag medyo mukhang alanganin na ang grupo n'yo kayo ang dapat sumalo at idefend ang kampo n'yo. So let's start."

Nag-toss coin si ma'am at ang lumabas ay tao it means una kaming magsasalita.

" Ok so girls kayo na ang ---"

" Kaming mga babae hindi madaling mainlove... pero ang mga lalaki makakita lang ng sexy at maganda bumibigay na! Woah!"

Nagulat na lang kaming lahat nung 'di pa natatapos si ma'am sa pagsasalita ay biglang tumayo si Coleen at nagsimula na. Hindi naman siya excited? Pero astig 'yong sinabi niya bet ko 'yon.

" Woooh! Tama tama!" –girls.

" Booooooooo." sabi ng mga lalaki at nagthumbs down pa.

" Hindi naman porket nakakita kami ng ganoon e,in love na kaagad kami. Humahanga lang kami,syempre lalaki kami eh! Kayong mga babae, pag nakakita ng poging ang OA ... In love kaagad, kulang na lang e,maglupasay kayo sa harap namin! Hahaha."

Banat ng isa kong classmate na si Martin. Nagsisimula pa lang kami pero ang init na ng labanan.

" Namin? Makapagsabi ka ng word na 'namin' e, akala mo gwapo ka! Hahaha."

Pambabara ng isa kong kagrupo. Medyo hard 'yon pero sa totoo lang natawa kami sa sinabi niya.

" Hoy! Hindi lahat ng babae ganoon! Masama ba kung magwapuhan kami lalo na sa mga mababait? Tsaka sa una lang kami nagkakagusto, pagnalaman naming masama ang ugali, wala na! E,kayo? Kahit maldita at maharot basta maganda push pa rin kayo. Makasama mo lang ng ilang oras mamaya-maya may gusto na sa'yo... Ano ba naman 'yon?"

" Hahaha! Hindi din. Ang mga babae sabihan mo lang na matatamis na salita at puriin mo lang kinabukasan may gusto na sa'yo. Masyado nagpapadala sa mga salita!" – Jonas.

" Kasi kayong mga lalaki magagaling lang sa salita kulang sa gawa! Weak!" maging si Alexis ay nakisabat nadin habang nakacrossed arm.

Gusto ko sana sumabat kaso hindi ako makasingit.

Wala na halos makapagsalita sa mga lalaki. Tinamaan yata sila sa sinabi ni Alexis. Tama nga naman, magaling lang sa salita ang mga lalaki.

Dahil wala ng makasagot ay tumayo si Uriah. Natahimik ang mga babae sa paghiyaw. Baka kung anong mura ang lumabas sa bibig niya.

Naku po!

" Alam n'yo kung bakit magaling lang sa salita ang mga lalaki? Ganito lang yan, kayong mga babae kasi, pag pinakitaan ng mabuti at ginawan ng pabor iba na ang pumapasok sa isip n'yo... Akala n'yo e,may gusto na sa inyo 'yong tao, kaya hindi n'yo din maiwasan magkagusto sa lalaki lalo na pag nagpapakita ng effort." walang emosyon niyang paliwanag.

Nakatitig lang sa kanya ang lahat at halos mapanganga sa sinabi niya.

"Ganito kasi yan. There is a psychological effect kapag alam mo na may gusto ang tao sa'yo, may chance din na magkagusto ka sa kaniya kahit papaano. Nasa inyo na lang kung pipigilan n'yo 'yon o hahayaang lumala, pero the question is ... 'yong inaakala mong may gusto sa'yo e,gusto ka ba talaga?" tila nang-aasar niyang tanong.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon