chapter 17

133K 2.1K 47
                                    

CHAPTER 17

Parang ang bilis ng araw, Monday na naman. Nakakatamad gumising ng maaga. Buti nalang hindi na rin masakit ang puson ko at halos pawala na din ang mens ko.

Andito na ako sa room. Unti palang kaming nandito kasi maaga pa naman, si Bes wala pa tsaka 'yong G-Members.

" Bekla? Anyare? Mukha kang haggard Versoza . Puyat ka 'no? Umaura ka 'no?"

Napaka observant talaga ni Nicolo, halata bang puyat ako? Tuwing naiiisip ko kasi 'yong nangyari ng Saturday parang nagtatake ako ng isang galon kape at 'di ako makatulog.

" Ah? Hehe. Haggard ba? Hayaan mo na para magmukha ka naman maganda pag katabi mo ako."

Biro ko sabay hampas sakin ni Nicolo, Aba! Syempre hinampas ko din siya. At 'yon naghampasan na kami.

" Aray! You're hurting me, sumbong kita kay papa Jonas."

Inirapan ko lang siya. Pag untugin ko pa sila e. Ang lakas ng loob mag ganyan-ganyan ni Nicolo kasi close na sila ni Jonas. Ewan ko ba kay Jonas at tuwang-tuwa sa beking 'to. Sabagay masaya naman kasi kasama si Nicolo. Maharot nga lang. Si Jonas naman kasi masayahin pero mabilis din magbago ang mood. Masaya mamaya tapos galit na mamaya tapos masaya ulit.

" Magsumbong ka wala kong pake! Hahaha."

" Ah ganun, ah andyan na pala sila, e."

Sabay turo ni Nicolo sa may pinto, isa isang pumasok ang G-members. As usual, agaw eksena na naman sila... kahit papasok lang ng pinto ang lakas na ng dating ng mga siraulong 'to. Actually pwede nga sila mag artista, ang galing kasi umarte ng mga lokong 'to. Until now wala pa rin nakakapansin na may koneksyon ako sa kanila.

Huling pumasok si Mars kasama si Uriah.

Teka? Bakit ako kinakabahan? Tinignan lang ako ni Mars at nag slightly nod. Ngumiti lang ako tapos napatingin ako kay Uriah sabay lunok, napatingin din siya sakin saglit with blank expression na akala mo hindi ako kilala.

Umayos na ako ng upo at humarap sa whiteboard. Ano ba 'to? Huminga ako ng malalim.

Parang ang awkward, knowing na nasa likod ko siya. Baka kasi tinitignan n'ya ako at pinapatay na sa isip.

May band aid siya banda sa cheekbone. Pero bakit? 'di dahil kaya sa pagkakasuntok ko?

Si Nicolo bigla nalang nawala sa tabi ko, 'yon kinakausap na si Jonas. Wala tuloy ako makausap.

" Boss bakit ka pala may band aid ka? Nasugatan ka?"

" 'di 'yan sugat. Pasa 'yan tinakpan niya lang." sabat ni Mars.

Pasa? Tama naman rinig ko 'di ba? Para akong siraulo ditong pasimple na pinapakinggan 'yong usapan nila.

" Bakit? May nakaaway ka ba? Edi bugbog sarado 'yon sayo."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon