Special Chapter

101K 2K 259
                                    

SPECIAL CHAPTER

Agatha's P.O.V.

"Men wag mong dibdibin wala kang boobs. Hahaha!" Sabay tapik ni Mars sa likod ni Jonas.

"Follow your dream. Demi is your dream so follow her in your province.hahaha!" Nakigaya din si Kurt at hinimas himas sa likod si Jonas.

Nanahimik lang si Jonas hanggang sa pinagbibigwasan niya ang mga kaibigan.

"Lubayan niyo nga ko." iritableng sagot ni Jonas.

"Corny mo Kurt! Hay Papa J, ako nalang... mas prettyful ang peslak ko kay Demitot." nakisabat si Nicolo habang naghihimay sila ng gulay sa may sala.

"Pero mas bagay kayo ni Kurt, Nicolo. Hahaha!" –Mars.

"Yuck ! Di kami bagay dahil tao ako... siya naman baboy!" –Nicolo.

Napahalakhak ako. Ang kulit nila, parang mga baliw talaga. Ilang araw na ganyan si Jonas, mainit ang ulo dahil wala si Demi. Umuwi siya ng province para bisitahin ang family niya.

"Babalik naman 'yon Dude, kalma ka lang!"

"Hahaha! Mga adik talaga." Sabi ko habang ginagayat ang patatas.

"Eh bakit kasi ayaw pa liwagan ni Jonas si Demi, bagay naman sila." Sagot sakin ni mommy habang naghahalo nang niluluto niya.

"Ewan ko d'yan kay Jonas mom, magulo din utak niyan e. Siguro baka takot mabusted."

Siguro nga, takot siyang mareject.

Ang ingay nila 'no? Natatawa nalang kami bigla ni Mom dito sa kusina dahil sa kakulitan nila. Mamaya talaga mapikon 'yan si Jonas. Pero mukhang hindi naman siguro tutal malakas din siya mang asar.

"Si Uriah anong oras darating?"

"Hmm di ko po alam Mom."

Di pa kasi nagtetext, e. Siguro nasa byahe na siya. Galing siya sa University na papasukan niya. Kailangan niyang asikasuhin 'yong papers niya bilang scholar sa pinaka tanyag na University ng bansa.

Hay! Grabe, di ko maiwasan ang maging proud sa kanya.

"Ay mom, tumawag ulit sakin si mamu kanina. Nangangamusta lang."

"Oh, kelan daw siya uuwi?"

"Wala padin date... mukhang sobrang busy padin siya."

Miss ko na si mamu, ang tagal ko na di siya nakikita. Hindi din siya dumating sa debut ko dahil sa negosyo nila sa ibang bansa. Sana makauwi na siya dito.

Pagkatapos ko tulungan si Mom sa kusina ay pumunta naman akong sala.
Andito ulit kami sa bahay, as usual. Nang gugulo at makikikain na naman sila lalo na ngayong Fiesta samin. Si mommy naman sanay na at masaya siyang lagi siyang pinupuntahan nila Jonas dito.

Si Mom kasi ang takbuhan nila, malalayo kasi ang parents nila kaya kapag may kailangan kay Mom sila pumupunta.

Isang linggo nalang pasukan na namin.

Tumabi ako kay Ethan at pinanuod 'yong binubutingting niya sa laptop. Nag aaral pala siya mag photoshop. Gaya ng dati, may sariling mundo na naman siya.

"Tusukin ko 'yang taba mo!"

Habang sila Jonas, Mars at Kurt ayon sige padin ang asaran. Ito talaga ang top 3 sa kakulitan, e.

Napatingin ako kina Dominic, saktong napatingin din siya sakin kaya nginitian ako habang nakikinig sa sinasabi ni Chin. Ngumiti lang din ako at hinayaan na sila. Baka makaistorbo ako. Mukhang nag heheart to heart sila. Parang narinig ko kasing nabanggit nila ang pangalan ni Alexis.
Napaka romantic talagang tao ni Doms.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon