chapter 18

121K 2.1K 73
                                    

CHAPTER 18

" Umakyat na rin muna kayo sa penthouse. Please!" pagmamakaawa ko sa kanila.

Andito na kami sa basement parking ng condo, pinipilit ko sila na samahan muna ako sa taas.Nakakailang lang kasi kung kami lang ni Uriah ang nandun.

" Oh sige, kailangan din namin makausap si Uriah."

Nahihiya ako kay Dominic, parang sobrang laki na ng abala ang nagawa ko.

" Agatha..."

Tumingin lang ako sa kanya saglit sabay tingin ulit sa daanan. Parang ang seryoso n'ya, kinakabahan ako pag ganyan siya.

" Bakit Dominic?"

Medyo bumagal ang pag lalakad namin dalawa, malayo ang pagitan namin kina Jonas at Chin. Nasa likuran kasi nila kami at busy din sa pag-uusap. Mukhang magkasundo agad sila.

Si Chin mukhang excited pa dahil gusto n'ya daw mag thank you kay Uriah at nasali siya sa mission. Loka- loka talaga siya, masaya pa talaga siya at simula ngayon magiging magulo na rin ang buhay n'ya.

" Kung maaga ka matatapos sa ipapagawa sayo... pwede bang lumabas tayo? 'yong ikaw lang at ako."

Nagulat ako sa tanong n'ya. As in nagulat. Totoo na ba 'to? Date na ba 'to? Bakit parang ang saya sa pakiramdam. Syempre ikaw ba naman yayain lumabas ng nilalang na 'to talagang magugulat ka sa saya.

" Agatha?"

" Ah e ano... Sige sige," nabubulol kong sagot sabay tingin sa kanya saglit.

"Thank you." Sabay ngumiti siya sakin.

Para 'di n'ya makita tumingin ako sa kanan at pasimpleng ngumiti at napapikit pa. Nasa kaliwa ko kasi siya. e hindi ko talaga mapigilan ang ngiti ko at napakagat nalang ako sa labi.

Andito na kami sa penthouse. Naabutan namin si Uriah nanunuod ng movie, tumabi naman sa kanya si Dominic at Jonas. Hindi n'ya ko nililingon pero alam ko na alam n'ya na nandito ako.

" Dito kayo." Anyaya ni Jonas.

Nagnod lang ako kay Chin at sinabi ko na mauna na siya.

Dali dali siyang lumapit kina Jonas at nag bow kay Uriah.

Bakit siya nag bobow sa unggoy na 'yan!

" Boss Uriah, thank you po sa pagsali sakin sa mission. Hindi kayo magsisisi sakin."

Mukang nagulat si Uriah, hindi n'ya siguro inaasahan na isasama namin si Chin. Tumango lang sa kanya si Uriah.

Nag usap-usap lang sila, kaso hindi ko maialis ang tingin ko kay Dominic grabe... tinatamaan na ata ako sa kanya.

Mukhang nag eenjoy naman sila sa kakulitan ni Chin.

Buti hindi nababanas si Uriah, pero pag dating sakin galit kaagad siya. Sarap kotongan nitong unggoy na 'to.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon