chapter 84

95.1K 1.8K 136
                                    

CHAPTER 84

Bumaba siya sa platform at nakangiting lumakad palapit sakin. Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko at patuloy pa rin ako sa pag iyak.

Hinawakan n'ya ko sa balikat at n'yakap.

" I'm sorry... Nabigla ba kita? Stop crying."

Sabi ni Uriah sabay yakap ng mas mahigpit sa'kin kaya napaubob ako sa dibdib n'ya. Hinimas himas n'ya ang buhok ko at pinapatahan ako.

" Ui tama na... baka mapaano ka n'yan." Kung 'di ako nagkakamali si Chin ang tumatapik sa likod ko. Kasabwat din pala siya. Akala ko talaga e, nasa club siya.

Di ko mapigilan, masyado akong masaya ngayon dahil sa gaan ng pakiramdam ko. Parang nabigyan ng closure 'yong mga natitirang sama ng loob ko sa kanila.

Maya maya ay sumunod din sila Mars na bumaba at isa isa akong niyakap kaya hindi pa rin ako matigil sa pag iyak.

" Tama na, 'di bagay sayo ang umiiyak." Sabi sa'kin ni Doms habang yakap yakap ako. Kumalas siya pagkakayakap para tingnan ang mukha ko. Hinawakan n'ya ng magkabila kong pisngi at pinusan ang luha ko. Kaya naman napangiti ako.

" Opps..." Sabay bitaw n'ya sa pisngi ko. "Mukhang may sasabog na sa selos. Kaya tama na... sige ka, baka agawin kita sa kanya pag 'di ka tumigil." Bulong n'ya sakin.

Napangiti ako kahit na namumugto ang mga mata ko. Loko loko 'tong si Doms.

At syempre, hindi pwedeng hindi ko yakapin ang kapatid ko. Nginitian ko siya at ako na ang lumapit sa kanya para yakapin siya dahil naramdaman kong parang nahiya siya.

Ikinuskos ko ang mukha ko sa damit n'ya para matuyo ang luha ko habang yakap yakap ko siya. Niyakap n'ya din ako ng mahigpit.

" Thank you kapatid. Ang cute mo pa rin kahit umiyak ka." Bulong ko sa kanya. As usual wala naman siyang sinagot sakin.

" Cheers!"

Sabay sabay naming sabi at marahan naming pinagtama ang mga baso namin.

Sa kanila liquors akin juice lang. Para lang akong bata nito.

Andito kami ngayon sa isang mahabang table na naka set up din dito sa garden. Si Uriah ang nasa pinakagitnang dulo nakaupo and I'm adjacent to his seat.

Ang daming pagkain, ang ganda pa ng pagkakaset ng mga ito sa mesa.

Para ngang may occassion, e. Basta ang gaan gaan ng pakiramdam ko, lalo na ngayon nakikita ko silang nagtatawanan.

" Hahaha! Akalain mo 'yon 'di tayo nagkamali kanina." –Jonas.

" Ang galing niyo nga, e... 'di ba Demi?" - Chin.

Tumango tango lang si Demi at ngumiti.

" 'Di halata sa mukha niyong may talent pala kayo sa music. Hahaha!" Dagdag ni Chin.

" Sus, nainlove ka naman lalo sa'kin babe..." - Mars.

" Kapal mo." - Chin.

" Oh partida may sipon pa si Boss n'yan kaya medyo iba ang boses." - Kurt.

So kung wala pala siyang sipon mas maganda pa doon 'yong boses n'ya?

Tumingin ako kay Uriah, nakita kong nakatingin siya sa'kin kaya agad siyang umiwas at uminom na lang.

Napapangiti ako, 'di ko mapigilan! Ang ganda talaga ng boses niya. Sana pala nirecord ko sayang.Marami pa nga siguro akong dapat malaman sa kanila.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon