chapter 68

89.3K 1.6K 137
                                    

CHAPTER 68

URIAH'S P.O.V.

Mag iilang oras na rin akong nandito sa kinapi-pwestuhan ko. I'm wearing a cap and shades on purpose. Ino-obserbahan ko ang bawat paligid at ang taong nakikita ko.

Mga ilang metro din ang layo ko sa mismong hospital. Hindi ako maaring lumapit doon basta-basta dahil baka may makakilala sa'kin.

It's already afternoon, sa mga oras na 'to ay dapat umaalis na ako pero nagtigil pa rin ako dito.

Gusto kong pumasok sa loob, tingnan ang kalagayan ni Mars at gawin ang dapat kong gawin pero masyadong alanganin. Masyadong matibay talaga ang kupal na 'yon at humihinga pa rin.

Marahil alam na nila ngayon ang ginawa ko kagabi at hindi malabong pinaghahanap na rin nila ako. I'm sure they are now guarding Mars and... Agatha.

But my fcking hatred about hospital giving me another reason not to come inside.Napansin kong natatanggal ang pagkakadikit sa braso ko ng medical tape na may bulak. Ayoko ng may ganito kaya tuluyan ko na siyang tinanggal at tinapon. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko at mga pasa ko.

Halos wala pa rin akong tulog.

I remembered what I've done last night. I screwed up. 'Di ko napigilan ang sarili ko kaya nagawa ko 'yon. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nagawa ko 'yon sa kanila.

Natural na siguro sa'kin ang pagiging masama at walang pakealam sa mga taong nakapaligid sa'kin.

Maingat akong nakapwesto dito para walang makakilala sakin. Pinatay ko na rin ang cellphone ko dahil ayokong ma-trace nila ang location ko. At lalong ayokong matawagan pa nila ako. The f*ck. Inasahan ko na mangyayari, na unti-unting masisira ang grupo ko.

Bigla akong napatayo sa kinau-upuan ko nang mahagip ng mata ko ang babaeng naka-uniform ng Burnham na mabilis pumasok sa loob ng hospital. Hindi ako sigurado kung siya nga ang nakita ko o baka malik-mata ko lang.

Ang babaeng 'yon, 'di na rin magtatagal at malalaman na n'ya ang lahat. Masyado ng magulo at 'di na kaya pang pagtakpan ang lahat.

Buong araw siyang pumapasok sa isip ko, naaalala ko pa rin kung gaano siya natakot sa ginawa ko sa kanya. I remembered her face, her swollen eyes and continuous tears that streaming down her cheeks. I'm sure she hates me so much. Tutal, 'yon naman talaga ang gusto kong maramdaman n'ya sakin.

" Hindi siguro siya 'yon."

I sat and sipped my coffee. Alam ko naman na magiging maayos siya 'pag wala na ako. Hindi siya pababayaan nila Doms. I know my f*cking friends will not let her get harm.

Nagpatuloy ako sa pag-inom habang nakatingin sa labas

Dahan-dahan kong binababa ang basong hawak ko habang nakatingin sa 'direksyong 'yon. Kalalabas n'ya lang ng hospital at hindi ako pwedeng magkamali, si Agatha nga talaga 'yon kaya naman napatayo ako ulit.

It means she visited Mars, but I can't understand why she is crying so hard.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon