chapter 30

116K 2.1K 217
                                    

CHAPTER 30

" Si ..."

" Si ? Puro ka si! Sino nga?"

Kailangan ko ba sagutin ngayon 'yan? Ginulo ko 'yong buhok ko at sumimangot sa harap niya. Kaya ko 'to! Sasabihin ko na.

" Ang pipiliin ko ay si..."

" Happy birthday Ethan! Happy birthday Ethan! Happy birthday happy birthday happy birthday weirdo. One more time!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mabigla kami sa pagpasok nila Alexis habang kumakanta at may bitbit na cake.

" Happy birthday Ethan! Happy birthday Ethan! Happy birthday happy birthday happy birthday weirdo."

Sabay pumalakpak sila. Mukhang nagulat si Ethan sa ginawa nila pero halata sa kaniya ang galak. Tumayo siya at hinipan 'yong kandila. Isa-isa siyang binati ng lahat.

" Happy birthday brad!"

Sabi ng G members tapos isa-isa silang yumakap kay Ethan. Alam mo 'yong yakap ng lalaki sa lalaki? Yong mag aapir tapos parang ibubump nila ang sarili sa isat isa then tatapikin 'yong likod.

Buti nakatakas ako sa pagtatanong niya.

" Okay tara swimming na!" yaya ni Chin. Lumabas na ulit sila at doon na daw hihiwain 'yong cake.

Bago pa tuluyan makalabas si Ethan ay hinila ko ulit siya papasok sa loob. Tiningnan niya lang ako ng may pagtataka.

" Wait ka lang d'yan!" sabi ko sabay dalidaling bumalik ng kwarto at kinuha ko ang regalo ko sa kaniya. Tinago ko 'yon sa likod ko at tsaka ko lang pinakita sa kaniya nung nasa harapan na niya ako.

" Regalo ko...sorry 'yan lang e!" nahihiya kong sabi. Mukhang 'di niya nagustuhan. Tumingala ako para makita ko ang mukha niya. Nagulat na lang ako ng makitang nakangiti siya sa akin.

" Thanks sis! I do like it." sabay ngiti sa akin.

" Hahaha! Happy birthday!" bati ko at niyakap siya, niyakap niya din ang isang braso sa akin.

" Yeah but we're not yet done talking. We will continue it later."

Ano ba naman 'yon? Akala ko e,makakatakas na ako sa tanong niya.

Nilagay niya 'yong regalo ko sa room niya dahil panigurado kakainin daw 'yon ng iba.

Nakisabay na kami kumain ng cake, pagkatapos ay pinasok ko sa bahay si Chuchi, baka kasi mawala.

" Oi mamaya na kayo maglaro este magswimming ... Tara maglalaro na tayo!" yaya ni Mars, namali mali pa ng sabi medyo may tama na yata siya. Nakita niya kasing papunta sila Chin sa may dagat.

Nilapitan ko na muna si Bes at tinanong kung kaya pa ba niya. Medyo malamig na rin pala.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon