chapter 12

129K 2.2K 81
                                    

CHAPTER 12

Pagkatapos namin tumugtog ay nagpaalam na ko kina Nikki, niyayaya pa nila ako magcelebrate kaso 'di pwede ... suot ko pa rin 'yong damit at pants na pinahiram ni Nikki sakin. Naka uniform kasi ako kanina ang panget naman kung ganoon ang suot ko habang kumakanta. Ibalik ko nalang daw next time pag balik sa club. Buti nalang halos magkasing katawan kami ni Nikki.

Kailangan ko kaagad makausap 'yong Glefficial, pero saan ako dadaan? Kung sa main stairs naman baka makita ako nila Marco... Hindi pwede mamaya malaman niya talaga kong sino ako at baka pag nakita niya ako e bigla akong hablutin edi 'di ko na nakausap sila Uriah.

Remember, pumayag ako makipag 'getting to know each other' with that man. Ang aggressive grabe! Unbelievable.

" Hoy babae halika nga!"

Nagulat nalang ako ng hilahin ni Chin ang tenga ko habang naglalakad.

" A-aray , ganyan na ba ang thank you ngayon? Teka san mo ko dadalhin? "

" Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko. Madami kang ikekwento sakin ah! Tsk tsk... " aniya habang iniiling iling ang ulo. Naramdaman na talaga niyang may kakaiba. Dinadala n'ya ko ngayon sa service hallway, mga staffs lang pwede dito sa pagkakaalam ko.

" Kala mo ba ginusto ko 'to? Later ikekwento ko sayo. Teka bakit ba tayo nandito?"

Binitawan n'ya ang tenga ko. Hay! Grabe talaga tong babaeng 'to.

" Use that stairs, other access 'yan papuntang mezannine."

Kaya naman pala n'ya ko dinala dito, akala ko kasi itotorture na n'ya ako.

" Naks, thanks couz! Galing mo talaga kanina ko pa pinoproblema kung saan ako dadaan e." Sabay akbay ko sa kanya.

" Tongeks , 'yong mga kasama mo ang nag utos sakin na dito ka padaanin ... 'yong Dominic ata 'yon. 'yong cute! Susunod nalang daw siya sa taas may kausap pa kasi siya."

Tumango lang ako sa sinabi n'ya.

Cute pala huh! Nginitian ko lang siya ng nakakaloko...

" Oy! Mga iniisip mo ah, bakit cute naman talaga siya. Sige na dalian mo na, hintayin mo ko pag out ko ah! Sige dami ko pang gagawin..."

Tinapik tapik niya ang balikat ko sabay karipas nang takbo. May pagkabaliw talaga 'yong pinsan ko. Isama ko nalang kaya siya pauwi?

Buti naman at may other access pa na pwedeng gamitin paakyat. Atleast dito safe na walang makakakita sakin ...

Pagpasok ko ng Vip room...

" Oh andyan na ang angelic voice na sadista! Hahaha"

Bungad sakin ni Mars, galing talaga nito mang asar e.

Lumapit ako sa kanila at umupo. Inabutan nila ako ng fruit juice.

"Psh! Thanks sa compliment!" sarkastik kong tugon.

" Agatha, alam mo nung pinapanuod kitang kumakanta at iisipin kong 'di kita kilala... Malamang magkakagusto ako sayo sa ganda ng boses mo."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon