chapter 57

111K 1.7K 156
                                    

CHAPTER 57

Pakiramdam ni Agatha ay lumulutang siya, sari-sari ang nararamdaman n'ya. Tulala pa rin siya kahit na nakauwi na ng bahay nila, 'ni hindi nga n'ya alam kung paano niya nagawang makauwi pagkatapos ng mga nangyari.

"...mas lalo kitang gustong protektahan..."

"...mas mahuhulog ako lalo sa'yo?!"

"Ganoon mo ko naapektuhan."

Pabagsak siyang humiga sa kama habang naalala n'ya ang sinabi ni Uriah sa kanya. Napahawak siya sa dibdib n'ya dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Kahit papaano ay may kasagutan na siya sa isang bagay na gumugulo sa kanya, 'yon nga ay kung may nararamdaman din ba sa kanya si Uriah. nakaramdam siya ng gulat at saya ng mga oras na 'yon.

Pero napalitan din 'yon kaagad ng lungkot sa huling sinabi ni Uriah bago ito tuluyan ulit lumabas ng penthouse.

" Kaya matuto kang pangalagaan ang sarili mo, ayokong tuluyang mahulog sa'yo."

'Yon ang huling sinabi sa kanya, ang mga salitang 'yon ay tila nagpabigat sa dibdib n'ya. Napapikit siya at pinipigilan ang literal na pagkirot ng puso. Bigla siyang sinumpong dahil sa stress at pagod. Ngunit nawala din 'yon agad.

Alam na nila ang nararamdaman para sa isa't-isa pero hindi pa rin 'yon naging sapat para maging masaya sila. Nangangahulugan lang na dapat na nilang iwasan at kalimutan ang nararamdaman sa isa't-isa.

" Tapos na ang kontrata ko 'di ba? Dapat masaya ako ngayon pero ano 'tong nararamdaman ko?"

Nilapitan siya ni Chuchi at humiga sa tabi n'ya. Hinimas-himas n'ya na lang ito at niyakap.

Sa loob loob niya, alam n'ya na hindi lang kontrata ang matatapos sa kanila, pati ang taling nag-uugnay sa kanila. Kung noon nag-iiwasan sila para hindi malaman na magkakilala sila, ngayon mag-iiwasan sila para panindigan na wala na silang kinalaman sa isa't-isa.

Nabaling ang atensyon niya sa cellphone nang nakatanggap siya ng text mula kay Dominic.

'I hope you're fine. Take a rest. Goodnight.'

Hindi n'ya alam kung ano ang dapat i-reply dito, hindi n'ya alam ang sasabihin kay Dominic kaya nagpasaya siyang 'wag munang magreply. Nahihiya siya kay Dominic, ang dami na rin nitong nagawa para sa kanya. Pakiramdam n'ya ang unfair n'ya para dito.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari sa kanya ang mga ito ngayon. Naka-move on man siya kay Jacob tila mas naging komplekado ang mga pangyayari ngayon.

Sa school...

Pansin ni Agatha na ang daming mata ang nakatingin sa kanya, pero pinapahalata naman n'ya na wala siyang pakealam kahit sa loob-loob n'ya ay naiilang na siya.

" Don't bother them Bes, hanggang tingin lang naman sila, e. 'Di ka nila magagalaw." -Faye.

" Oo nga, 'pag ako 'di nakapagpigil jojombagan ko mga peslak ng mga 'yan." -Nicolo.

Ngumiti lang si Agatha sa mga kaibigan n'ya para ipamukhang ayos lang siya. Hindi n'ya pinapahalata na may kung anong bumagabag sa kanya.

Naguusap-usap sila pero ang totoo ay sa iba nakatuon ang utak ni Agatha, pasimple siyang napatingin sa likod n'ya.

" Bekla ... ba't 'di pumasok sina papa U?"

" 'Di ko din alam, e." maayos na pagkakasagot n'ya kina Nicolo na akala mo wala siyang pakealam.

" Si papa D din 'di pumasok, e."

'May nangyari kaya?' sa isip-isip ni Agatha at biglang nabahala.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon