chapter 43

106K 1.9K 143
                                    

CHAPTER 43

"What's that?"

"Ano?"

" What the hell!"

Gulat na tanong ng lahat.

" Bakit ano ang nangyari Kurt?"

Napahampas sa manibela at natahimik si Uriah. Hindi na niya itinuloy ang pagmamaneho. Napatingin siya sa relo niya at dali-dali niyang tinanggal ang seatbelt pagkatapos ay binuksan ang pinto ng kotse.

" What happened? Where are you right now? And Ethan, ikaw muna bahala sa kanila. Let's shift to plan B." Kalmado pero madiing pagtatanong ni Uriah.

" Copy. Pero delikado, ikaw lang mag-isa d'yan. " –Ethan.

" Need help?" –Jonas.

" No, just stick 'to plan B. Pupuntahan ko si Kurt. Kurt, where are you?"

Nakalabas na siya ng kotse at mabilis na naglalakad papasok sa airport.

" Ano boss... na trap ako. Taena 'di ako makalabas." pabulong na sagot ni Kurt.

" Damn it! I am asking where the hell are you? May humuli ba sa'yo? Ilan sila. Kasamahan ba ni RC?" sunud-sunod na tanong niya.

" Ano boss... Hmmm... nasa k-kitchenette."

Nahihiyang sagot ni Kurt sa kaniya. Unti-unting bumagal ang paglakad ni Uriah at biglang kumunot ang noo dahil sa kaniyang mga narinig.

" Ano ulit?" Tanong niya na parang naninigurado.

" Sa Kitchenette ng staff room!" malinaw na sagot ni Kurt.

Walang nag-react sa sinabi niya. Natahimik ang lahat at parang 'di makapaniwala sa nangyayari.

Napatigil sa paglalakad si Uriah. Huminga siya ng malalim at napahawak sa noo na parang nagtitimpi. Tumingin ulit siya sa orasan niya at nagmadaling tumakbo pabalik sa parking lot.

" Boss? Nasaan ka na? Tulungan mo akong makalabas dito. Mayroon kasing ibang staff sa labas. Boss--"

" Shut up Kurt! F*cksh*t! Baka 'di ako makapagpigil at ako pa ang makapatay sa'yo d'yan ng 'di oras. T*nga!" galit na sabi ni Uriah habang tumatakbo.

" Kahit kailan ka talaga Kurt! Patay-gutom ka!" –Jonas.

" Sinabi na nga na umalis ka na d'yan kapag nakalabas na sila RC, pero dumaan ka pa sa kusina! Kupal ka talaga Kurt! 'Namo!" iritang sabat ni Mars.

" P-pero paano na ako dito?" nagmamakaawang boses ni Kurt.

"It's not our problem Kurt, it's yours. You didn't follow the plan, so take the consequences." –Ethan.

" Wala ka talagang patawad sa pagkain. Tsk tsk!" –Dominic.

" Pagkasyahin mo ang sarili mo sa cabinet! Siraulo! Gumawa ka ng paraan. Pinapainit mo ang ulo ko, huwag ka lang magpapakita sa akin mamaya, t*rant*do ka!" Gigil na banta ni Uriah kay Kurt.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon