chapter 33

119K 1.8K 226
                                    

CHAPTER 33

Nanigas na yata ako dito sa higaan. Bakit siya nandito e,kwarto 'to ni Nicolo.

Kung nandito siya, nasaan si Nicolo? Baka nangapit kwarto at pumunta kina Jonas. Naku naman. Baka kung ano na ginagawa nang adik na 'yon.

Teka nga? Dalidali ko inalis ang pagkakayakap sa kaniya pero nakahiga pa rin ako.

Napahawak ako sa dibdib ko, kung may premyo lang sa paramihan ng kaba, panalo na siguro ako. Huminga ako ng pagkalalim lalim, baka bigla nalang akong himatayin.

Kinuha ko ang cellphone sa gilid ko at inilawan siya baka 'di naman si Uriah 'to. Napalunok ako. Siya nga talaga ang katabi ko.

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan nang malapitan ang mukha niya. Nakayakap pa rin siya sa akin at mukhang ang sarap ng tulog niya.

Napalunok na lang ako ulit ako.Bakit ganito? 'Di ba galit ako sa kaniya. Ngayong nandito naman siya, bakit parang napanatag ako.

Nagulat na lang ako nang dahan-dahan siyang dumilat at tumingin sa akin. Kaya itinago ko kaagad ang cp ko. Alam niya kayang ako 'to? Ang dilim kasi.

Hindi man lang siya nagulat habang ako hindi na mapakali. Dali-dali akong bumangon kaso hindi niya inalis ang pagkakayakap sa akin kaya napahiga ulit ako. Ang puso ko ...

" Where are you going?"

Tanong niya kaya pasimple akong napatingin sa kaniya, 'yong boses niya napakakalmado tapos nakapikit ulit siya at nanatili sa pwesto niya. So, anong balak niya? Matulog ulit habang nandito ako.

Ano ba naman!

" Ha e, ano ... sorry akala ko si Nicolo ka. Namali ata ako ng pasok ng kwarto."

Pagkasabi ko n'yon ay dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin at nang pagkatanggal ko dali-dali akong bumangon pero bago pa ako makaalis sa kama ay hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ulit kaya napaupo ako sa kama. Ang lakas niya.

" Ho-hoy! Ano ba? Lalabas na ako!"

Nabubulol ko pang sabi pero hindi ko na nilakasan ang boses ko't baka magising ang iba.

Masasapak ko talaga siya ng 'di oras. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

" Ginambala mo ang pag tulog ko tapos bigla ka na lang tatakas."

Aniya sabay bumangon. Hindi ko makuhang humarap sa kaniya. Buti na lang at madilim kaya hindi niya makita ang mukha kong di ko maipinta sa sobrang kaba at hiya. Ano ba 'tong nararamdaman ko.

" Sorry na! Okay na? Lalabas na ako!" natataranta kong sagot.

Gusto ko na lumabas naloloka na ako. Pakiramdam ko biglang uminit.

" Sorry is not enough. You need to be punished."

Now playing: 2 become 1 .

Teka saan na naman galing 'yong tugtog?

Oh my anak ng tupang gala! Nagulat na lang ako ng lalo siyang lumalamapit sa akin kaya umaatras ako, 'di ba magkaaway kami? Dapat 'di kami nagpapansinan.

" Ho-Hoy! Uriah baka gusto mong basagin ko 'yang bungo mo! Punish ka d'yan!" mabubuhol na ata ang dila ko.

Kaso patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin hanggang sa macorner niya ako sa may headboard. Habang lumalapit siya, ako naman hindi mapakali. Si Uriah ba talaga 'to? Punishment? Ano ba 'yon? Hindi naman niya gagawin 'yong ano 'di ba? Huwag po...

Feeling ko nanghihina ako. Huwag po! Bata pa ako. Ay ano ba 'yan!

Sa kakaiwas ko napadausdos ako at dahan-dahan akong napahiga . Oh my! Oh my!

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon