chapter 37

102K 1.9K 124
                                    

CHAPTER 37

" Bakit iniwan mo ko sa labas? Teka , anong nangya... yari?" nagtatakang tanong ni Mars nang pumasok siya ng Taekwondo club.

" Game over ... BOSS URIAH!" matigas ang kaniyang pagkakasabi sabay bato ng susi ng kotse ni Uriah sa sahig.

Tumingin siya kay Mars ng pagkasama-sama.

Walang ibang nagawa si Mars kung 'di ang tingnan lang din siya na parang may pagsisisi. Tila naramdaman niya agad kung ano ang nangyayari.

Lumapit kaagad si Mars at akmang hahawakan siya pero bigla siyang tumakbo palayo.

Hinabol siya ni Mars palabas at hinawakan sa braso ngunit nagpumiglas siya pero hindi pa rin siya binibitawan nito.

" Gag* bitawan mo ko!"

" Makinig ka muna..." malumanay na sabi ni Mars

" BITAWAN MO AKO!" sigaw niya sabay suntok sa mukha ni Mars. Namula ang mukha ni Mars pero hindi nito ininda ang sakit at tiningnan lang niya ulit ito ng sobrang seryoso.

" Alam mo na ang lahat? Sorry..."

" T*ng*n*ng sorry 'yan!" sagot niya sabay napangisi. " Ang tindi, paano n'yo natiis na gawin 'to?" Nanginginig niyang sabi dahil nagsimula na lumabas ang mga luha niya.

"Sabi ko naman sa'yo eh... sabi ko sa'yo huwag n'yo na siya pahirapan. Pero 'yon pala talaga ang plano n'yo."

Kahit na sobrang tapang niyang babae ay lumabas pa rin ang pagiging emosyonal niya. Lumakas lalo ang pag-iyak niya at parang 'di makapaniwala.

" Pag nalaman niya 'to pwedeng lumala ulit lalo ang sakit ng pinsan ko. Hindi n'yo kasi alam kung gaano siya nahihirapan... Wala kayong alam!"

Namumula na ang mukha niya sa pagpipigil ng luha pero hindi niya magawa. Sa pagpipigil niya lalo lang siyang naiiyak. Hanggang sa 'di nakatiis si Mars at niyakap siya. Pilit siyang kumakawala kaso lalong hinigpitan ni Mars ang pagyakap sa kaniya.

" I'm sorry Chin, I'm sorry..."

Sabi niya na parang nagsisisi at nag-aalala. Nanatili siyang nakayakap at pilit na pinapakalma si Chin. Hindi niya matiis na makitang umiiyak ito.

Sa yakap niya ipinaramdam niya na nagsisisi siya na naging dahilan para maiyak lalo si Chin. Sa sobrang inis ni Chin ay pinilit niyang kumawala.

" Simula ngayon wala na kaming ugnayan sa inyo mga dem*nyo! Wala na kaming pakealam sa mga plano n'yo!" sigaw niya at lumakad na palayo.

'Yong mukha ni Mars ngayon ay ibang-iba, halata sa mukha niya na naaapektuhan siya at hindi alam ang dapat gawin. Napakaseryoso niya at nakakatakot ang aura.

Ngunit nakatatak pa rin sa isip niya na dapat ay hindi masira ang plano nila.

Lumabas kaagad si Kurt at may inabot sa kaniyang panyo.

Lumakad siya ng sobrang bilis para maabutan si Chin na tuloy pa rin sa pagluha.

Hanggang sa maabutan niya ito at hinawakan bigla mula sa likod sabay takip ng panyo sa ilong nito.

" Sorry."matamlay na sambit ni Mars habang pumapalag si Chin.

Pinipilit nitong tinatanggal ang pagkakatakip sa ilong niya pero pagkalipas ng ilang segundo ay unti-unti na napapikit at nawalan na ng malay.

" Anong balak natin ngayon?"

Tanong ni Kurt sa mga kasama niya ,nasa balwarte na sila ngayon ni Jonas.

Nanatili silang tahimik, magkasama silang anim ngayon at nag-iisip nang mabuti.

Hindi na nagawang gamutin ni Dominic at Uriah ang mga bangas na inabot nila sa isa't isa. Habang si Mars naman ay nanatili sa tabi ni Chin na natutulog sa sofa

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon