chapter 53

107K 1.8K 190
                                    

CHAPTER 53

THIRD PERSON'S P.O.V.

Hindi na inintindi ni Uriah ang iisipin ng mga kasama n'ya. Mabilis siyang nagmaneho paalis ng G-zone. Habang nagmamaneho siya ay paulit-ulit niyang naiisip ang tinext sa kanya ni Agatha.

Talagang ikinagulat niya ang pagtext nito sa kanya lalo na nung mabasa niya ang laman ng mensahe. Hindi n'ya akalain na magagawa siyang i-text ng ganoon ni Agatha.

'That message was, rude but made my heart fluttered.' aniya sa isip niya.

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na siya sa kanyang pinuntahan.

" Nababaliw na ata ako." bulong niya sa sarili at huminga nang malalim.

Bumaba siya ng kotse, lumakad at tumambay sa ilalim ng isang puno. Hindi na niya inintindi kung magmukha man siyang siraulong nakatayo doon sa kalaliman ng dilim. Ang tanging alam n'ya lang na gusto niyang gawin ay makita si Agatha.

Nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan ang bahay, hindi n'ya din alam kung paano n'ya magagawa makita si Agatha. Humakbang siya at aakmang pupunta sa bahay pero tumigil siya at nag atubiling 'wag na ituloy ang gagawin. Napapikit siya saglit ng dahil sa inis sa sarili pagkatapos ay pinasadahan niya ng palad ang buhok.

'Do you think it would help huh! Idiot.'

Naisip n'ya na pag ginawa n'ya 'yon ay baka lalo lang n'yang magulo ang isip ni Agatha. Paniguradong madaming tanong na papasok sa utak ni Agatha kapag nakita siya.

Napatingin na lang siya kung saan may bukas na ilaw, 'yong kwartong 'yon ay kay Agatha.

Tinignan n'ya ulit ang cellphone n'ya. Gusto man niyang magreply hindi n'ya magawa.

'It's better for her to get disappointed rather than to know my true feelings, it will just make things more complicated.'

Sabay balik ng cellphone sa bulsa at tumingin ulit sa bahay.

Pakiramdam n'ya ay malapit na siya masiraan ng ulo kakaisip. Hindi n'ya alam kung hanggang kelan n'ya matitiis na ilayo ang sarili sa babaeng 'yon at kung hanggang kelan magiging magulo ang sitwasyon nila. Hindi man n'ya pinapahalata pero araw-araw niyang naiisip ang babaeng 'yon.

Lumipas ang ilang minuto...

25 mins...

45 mins...

Hanggang sa inabot na siya ng isang oras na nakatambay doon. Hindi n'ya ininda ang lamig, lamok at ang 'dilim. Nagtataka siya kung bakit bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Agatha.

'It's 11:30pm, she must be sleeping right 'now. Kaya ko nga sinagutan 'yong papel niya ay para maaga siya makatulog kapag umuwi na. That girl...'

Hindi n'ya din maintindihan kung bakit ayaw pa n'ya umalis. Marahil sa dahilan na hindi niya nakita si Agatha. Hanggang sa napagdesisyunan niya na umalis nalang kapag pinatay na nito ang ilaw sa kwarto.

Pero laking gulat nalang n'ya nang biglang lumabas ng kwarto si Agatha at pumuntang terrace. Napatago siya ng 'di oras sa pag-aakalang baka makita siya nito.

Ang bilis ng kabog ng dibdib n'ya habang pinagmamasdan n'ya ito.

Banaad naman sa mukha ni Agatha ang pagkadismaya, hawak pa rin nito ang cellphone n'ya at halatang naghihintay ng reply. Hindi siya makatulog, balisa at malungkot.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon