chapter 46

109K 1.8K 277
                                    

(NO SPOILER PLEASE ! :P )


CHAPTER 46

DOMINIC'S P.O.V.

" Kakaiba din talaga 'yon si Uriah, e 'no! Sino maga-akalang magagawa niyang magdesisyon ng ganoon." manghang-manghang sabi ni Jonas sabay inom ng alak.

" 'Yong taong kinaiinisan n'ya siya din ang dahilan kung bakit 'di na natin naituloy 'yong mission... 'yon ang malupet."

Masaya pa si Mars ng sinasabi n'ya 'yan. Kanina pa kami nandito at wala na kaming ibang pinag-uusapan kundi tungkol sa kung ano ang mga nangyari kanina.

" Masaya pa talaga kayo? Hindi na nga tayo nagtagumpay, panigurado ako na nagbubunyi na ang mga g*gong 'yon dahil pinatakas natin sila. Tsaka alam niyo naman 'di pwede maging sila..." -Kurt.

" T*nga! Isipin mo nalang 'to, mas pinili ni Uriah 'yong kaligtasan ni Agatha kaysa sa mission. Ibig sabihin 'yong pusong bato ni Uriah lumalambot na. Tsaka yang sinasabi mong hindi sila pwede mababalewala din 'yan. Bobo ka talaga." pambabara ni Jonas kay Kurt. Uminom siya ulit pagkatapos ay nagpatuloy sa pagsasalita.

" Halata namang may lihim silang pagtingin sa isat-isa ayaw pa umamin..." Sabay natigilan siya at tumingin sakin. "Sorry brad, 'yon lang kasi talaga 'yong napapansin ko. Pero ang cool talaga ni Agatha. Ibang klase... basta may kakaiba sa kanya at kahit iutos ko na magpakagat siya sa lamok di ko magawa."

" 'Namo! Sino bang matinong taong mag-uutos sa kahit kanino na magpakagat sa lamok."

Napailing nalang ako at napangisi, pansin na rin pala nila 'yon. Sabagay, halata naman na silang dalawa. Napatingin ako kay Ethan at napangisi din siya kaya nilahad ko ang palad ko sa harap n'ya at nag apir kami.

" Sakit? P*tcha magtiis ka, ginusto mo 'yan, e."

Natawa nalang ako sa sinabi n'ya, oo medyo masakit. Pero 'yon naman talaga ang dapat. Matagal din namin pinagplanuhan ni Ethan 'to atleast kahit papaano may napala kami.

Matagal na naming pinagpa-planuhan ni Ethan ay ang ipa-realize sa kanila kung ano ba talaga ang nararamdaman nila sa isat-isa. Nagtagumpay naman kami dahil kung iisipin hindi ipagpapalit ni Uriah ang mission kung wala talaga siyang nararamdaman para kay Agatha.

Sa totoo lang masaya ako sa naging desisyon ni Uriah, pero nag aalala ako sa magiging epekto nito sa kanya, 'yon ay ang tuluyan siyang mapalapit o mas magalit kay Agatha.

Dang! I'm a martyr, kulang nalang barilin ako sa likod.

" Oo nga, e 'di ko akalain na gagawin n'ya 'yon. Kaso paano na si Sheria? Paano natin malalaman ang totoong nangyari sa kanya pati kung sino 'yong mga gumahasa sa kanya." 'Yong boses ni Mars halatang nag aalala pa rin, malamang dahil pinsan n'ya ang involved dito.

" Hindi naman porket 'di nagtagumpay ang mission ay 'di na natin mahahanap 'yong totoong sagot."

Seryoso 'kong sabi sa kanila sabay uminom ako ng alak, kanina pa may ibang naglalaro sa isipan ko.

Napansin nga din 'yon ni Ethan noong nakapag-usap kami habang pababa sa parking. Tinignan nila ako na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

" Madami pa tayong pagkakataon, maiba ako wala ba kayong napansin kanina? Paanong nasundan ng caller si Agatha? At ang mas nakapagtataka. Ang bilis n'ya at nakatawag kaagad 'yon kay Uriah para iutos na itigil ang mission."

Panigurado ako na naisip na din ni Uriah ang tungkol sa bagay na 'to. Laking pasalamat ko nalang at walang nangyari kay Agatha.

" Oo nga ano, kasi tanda niyo 'yong sinabi ni RC sa kasama n'ya, kung natawagan daw ba n'ya 'yong pinapatawagan n'ya. Baka 'yong tinutukoy niyang tawagan ay 'yong sumunod kay Agatha." -Jonas.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon