chapter 20

146K 2.1K 205
                                    

CHAPTER 20

" Wahhhh! Sinabi n'ya 'yon? Edi nagtapat siya sayo?" tanong n'ya sabay lapit sakin at nag goglow pa ang mata sa sobrang excitement.

" 'wag ka ngang sumigaw! Gabing gabi na nakakahiya sa kapitbahay." Sabay punta ko sa kusina para uminom ng gamot.

" Aba! Magkwento ka kung ayaw mo mabulabog ang bahay niyo. Ang tagal mo kami pinag antay ni Jonas sa labas ng bahay niyo."

" Sorry na nga diba, 'di ko naman kasi alam na pupunta ka dito. Tska 'di ko napansin na tumatawag pala kayo sakin."

Dahil day off n'ya ngayon sa club andito sa bahay si Chin, sinamahan siya ni Jonas papunta dito. Mga 9:30pm na rin kami nakauwi ni Dominic. Nagpe-playback tuloy ulit sa isip ko yung mga sinabi niya. Humingi pa siya ng favor n asana 'wag daw akong umiwas o mailang pagkatapos ng mga sinabi niya.

" Paano busy ka kay Dominic, Oh ano na? Ang taray mo d'yan ah. Sa gwapo at yaman ni Doms 'di ka na lugi dun kaya sagutin mo na!"

Umupo ako sa tabi n'ya sabay batok ng mahina sa kanya, adik talaga 'to.

" Ano ka ba? Hindi naman ganoon e...hindi naman kasi siya...nanliligaw"

Tinignan niya lang ako na may pagdududa. Tinignan ko lang din siya na may sensiridad.

" Ang sabi n'ya nga lang tutulungan n'ya ako maka move on, pero hindi n'ya sinabi na manliligaw siya... tsaka hindi naman niya sinabing direkta na gusto niya ako."

Nagkaroon ako bigla ng alinlangan, baka nga kasi nagfefeeling ako na baka may gusto siya talaga sa akin. Baka nga masyado lang mabait sakin si Doms.

" Teka lang ah ." aniya sabay pinatay n'ya 'yong TV tapos kinuha 'yong pagkain na dala n'ya na brownies and fries na galing kina Jonas. Ang takaw pa rin n'ya grabe. Bumalik na siya sa upuan at mukhang ready na ulit makinig.

" Mukhang mahaba habang usapan 'to e... so ibig sabihin, hindi siya nagtapat na gusto ka n'ya? Pero gusto ka n'ya tulungan mag move on? e ano 'yon? Baka naman kasi manhid ka lang Agatha. Mag eeffort ba sayo si Dominic ng ganyan kung wala siyang gusto sayo." Sagot niya habang kumakain.

Napatingin nalang ako sa kawalan.

"Wag ka nga, hindi niya sinabing gusto niya ako."

" Bakit pa kasi kailangan n'ya sabihin sayo kung pinaparamdam naman na n'ya sayo? " dagdag n'ya. Muli niyang naagaw ang atensyon ko ,hindi ko alam na love expert na pala 'tong si Chin. "Sabi nga nila, Action speaks louder than words."

Napaisip ako, ganoon kaya talaga? Pero ayoko mag expect iba pa rin kasi pag malinaw samin ang lahat.

" Ewan ko Chin, ayoko naman magtanong dahil nakakahiya sa part ko baka isipin n'ya assuming ako 'di ba? Masakit 'yon... tsaka 'di pa nga ko masyado nakakarecover kay Jacob e."

Mukhang nabadtrip siya ng marinig n'ya 'yong name ni Jacob, . Nakalimutan ko, bawal ko nga pala banggitin ang pangalan n'ya kaya dali dali ako umiwas kay Chin at tinakpan ang ulo ko kaso mabilis siya gumalaw kaya ...

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon