chapter 77

93K 1.6K 364
                                    

CHAPTER 77

AGATHA'S P.O.V.

"Tara na ate?"

Tumango lang ako sa tanong ni Ethan. Dahan dahan akong bumaba sa kama. Mga ilang oras na rin ang nakalipas ng magising ako. At ilang oras na rin akong ganito, tahimik at parang nawawala sa sarili.

Lumabas na kami ng kwarto, hawak ko sa braso si Ethan upang suportahan ang sarili ko. At sa isang side ko naman ay si Demi. Medyo masakit pa rin kasi ang pwetan ko lalo na ang ulo ko.

Ngayon ko lang napansin, para akong anak ng presidente. Ang dami ba naman nakapaligid sakin. Pinag titinginan tuloy kami. 'Yong ibang nurse ay napapafangirl pa.

Si Chin hinatid na ni Mars sa club kaya hindi ko sila kasama ngayon. Salamat naman at 'di na nila sinabi kay Mom ang nangyari sakin.

"Dahan dahan."

Paalala ni Doms habang papasok ako ng kotse n'ya. Si Doms, Demi, Jonas ang kasama ko ngayon sa loob ng kotse habang si Ethan at Kurt ay nakasakay sa bigbike n'ya.

Bigla ko naman naalala 'yong ginawa ni Chin at Demi sa mga umaway sakin. Kasi kanina agad 'yon nawala sa isip ko nung sabihin nila na si Uriah... bumalik na pala.

Siya 'yong lalaking nakita ko bago ko tuluyan mahimatay. Kaya pala iba ang pakiramdam ko ng mga oras na 'yon.

Natutulala na naman ako...

Simula ng ikwento nila sa'kin 'yon ay 'di na ko nakapagsalita. Tahimik lang ako at bigla biglang natutulala. Hindi ko na namamalayan 'yong mga nasa paligid ko.

Napahawak ako sa dibdib ko... grabe, hanggang ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na pag iniisip kong nakauwi na si Uriah.

Habang nakatingin naman ako sa may labas biglang nagising ang diwa ko sa nadaanan namin.

"J.CO."

Napalunok ako bigla, donut... Gusto ko ng donut.

Napansin ko naman na napatingin sila ng magsalita ako. Nakakahiya naman kung ipapatigil ko ang sasakyan para bumili lang. Sobrang abala na 'yon. Next time na nga lang.

"Gusto niyo bang kumain muna?"

Matamlay kong tanong sa kanila. Nakarating na kami sa bahay.

May gusto sana ako itanong sa kanila kaso nakakahiya. Gusto ko malaman kung ano. Kung engaged o kasal na 'yong unggoy na 'yon? Oo 'yon talaga, 'yon agad ang gusto kong malaman.

"Oo naman agshsj-"

Hindi na naipagpatuloy ni Kurt ang sasabihin ng takpan ni Jonas ang bibig n'ya.

"Hindi na... para sayo lang talaga 'yan. Kumain ka ng madami ah." Sabay ngiti sa'kin ni Doms. Bumili kasi sila ng pagkain.

Tumango lang ako.

"Kaya mo na ba mag asikaso mag isa?" - Ethan.

Tumango ulit ako. Kaya ko naman na 'yon nga lang kailangan dahan dahan.

"Gusto mo samahan muna kita dito?" - Demi.

" 'Di na. Salamat. Alam ko na napagod kayo kaya magpahinga na rin kayo. Ayos na ko."

Ngumiti lang sila ng bahagya sa'kin bilang pag sang ayon. Kahit na malamig pa rin ang pakikitungo ko sa kanila hindi pa rin nila ko pinapabayaan.

"Oo nga pala pilitin mo pumasok si boss ayaw n'ya na kasing pumasok... Aray!" Kurt.

"Wala 'yon... Sige una na kami."

Pagkatapos n'yon ay isa isa na silang lumabas ng bahay. Naiwan akong tulala.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon