chapter 24

125K 2.1K 173
                                    


CHAPTER 24

Hindi ako nakasabat at umawang nalang ang bibig ko. Those words are pleasant to hear. Medyo natulala ako doon dahil hindi ako makapaniwala na si Uriah ang kausap ko ng mga oras na 'yon. Anong nakain niya?

Sumakay kami sa kotse niya at nag-drive siya na walang sinasabi kung saan kami pupunta.

Ngayon ko lang namalayan, andito pala ako sa passenger seat. Nakalimutan kong ayaw niya ako dito umuupo. Pero hindi naman niya ako sinita o kaya ay pinagalitan.

Dadaaan sana ako sa gitna ng upuan para lumipat sa likod.

"Hey!" sita niya nang mapansin ang ginagawa ko. Hindi ko siya sinagot. Hinablot niya ang braso ko at pinaupo ulit ako.

"Bakit ka pupunta doon ! Abnormal..."

Tinignan ko lang siya ng masama. " Ikaw ang abnormal, ayaw mo diba na sa passenger seat ako!" tumingin nalang ako sa labas.

"Dyan ka na uupo lagi. Simula ngayon."

Bahagyang napamulat ng todo ang mga mata ko. "Pero bakit?" Nag-aalangan at nahihiya kong tanong. Di ko alam kung bakit gan'yon ang tono ng boses ko. Oh my!

"Dahil imbes na sa daan, sa rear view mirror ako lagi napapatingin."

Agad akong napalingon sa kanya nang sabihin niya 'yon. Tila nabigla din siya sa sinabi kaya agad siyang nag clear throat at umaktong normal. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

Napalunok ako at muntikan na mapangiti. Hindi ko alam kung bakit. Natutuwa ko pag ganyan siya. Ang cute niya.

"E, bakit naman? Wag mo sabihing pinagmamasdan mo ko lagi." Seryoso kong tanong, gusto ko lang siya asarin.

Tinignan niya ako saglit at ngumisi. Base sa ekspresyon ng mukha n'ya e parang sinasabi niyang 'asa ka'.

"Hindi kita pinagmamasdan, sadyang agaw pansin ka lang. Kung anu-ano ba naman ang ginagawa mo pag nasa back seat ka. Atleast pag andyan ka, limitado ang galaw mo. Tsaka nagmumukha akong driver mo."

 Muntikan na ko matawa. Finally, narealize niyang mukha ko siyang driver sa set up namin lagi tsaka ano ba ginagawa ko sa back seat dati? Kumakanta lang naman ako. Nagsasalita mag-isa, nagkikwento sa kanya. Kapansin-pansin ba 'yon?

"Nga pala, saan tayo pupunta?"

Di na naman siya sumagot. Hay! Ano ba 'yan? May lakad pa kami ni Mars, baka kung ano na naman ipagawa niya. Parang gusto ko tuloy lalong maiyak sa inis.

" Ewan."

"Anong ewan ! Ibig sabihin walang direksyon 'tong pupuntahan natin?"

Sira talaga siya! Ano 'to joyride? Pwes walang joy sa ginagawa niya. Nagmamakaawa na akong bumalik kami sa penthouse niya o kaya ibaba na lang ako, pero parang wala siyang naririnig.

" Teka."sabay mabilis na iniliko ang sasakyan. Napakapit ako bigla sa ginawa niya. Agad akong nilamon ng kaba. Delikado ang ginawa niya. Paano kung may nabangga siya?

Hindi ko napigilan at 'yon nahampas ko siya ng dalawang Beses. Nagsimula na naman kaming mag-away.

" Sira ka talaga! Dahan-dahan naman!" sigaw ko sa kanya.

" Ano ba? Baliw ka talaga e, 'no ? Sabi mo ayaw mo makipag away ngayon, tapos ikaw pa nagsisimula ng gulo."

" E, saan na ba kasi tayo ..." unti-unting humina ang boses ko nung mapatingin ako sa labas. "Pu... punta?"

Agad akong napaurong sa inuupuan ko at halos maidikit ko na ang mukha sa salamin. Oh my! Amusement park. Tumingin ako kay Uriah at huminga ng malalim.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon