chapter 41

103K 1.7K 62
                                    

CHAPTER 41

THIRD PERSON'S P.O.V.

Makalipas ang mahigit isang oras ay isa-isa na ulit silang nagsibalikan sa penthouse. Huling nakabalik sila Mars at Chin.

Saktong paglabas ni Uriah sa kwarto ay kompleto na ang lahat at nakapwesto sa may sala. Naupo siya at napatingin sa relo niya.

" We have to go after 45 minutes."

Habang nasa sala sila at inaayos ang mga dadalhin busy naman sa banyo si Agatha, Nicolo at Demi.

" Okay lang ba itsura ko?" tanong ni Demi habang binababa ang paldang suot niya.

" Tangek bekla! Huwag mo ibaba ganyan talaga ang style niyan." sagot ni Nicolo habang nilalagyan siya ng light make up.

" Nakakailang!"

" Kaunting tiis lang Demi, kaya mo 'yan! Bagay naman sa'yo eh" –Agatha.

" Bahala na teka Agatha parang namumutla ka? Okay ka lang? San ka pala galing kanina?"

Biglang napatingin si Agatha sa kanila na kasalukuyang inaayos ang mga ginamit nila.

" Hah? Wala 'to pagod lang siguro." sabay tingin niya sa salamin at napansin nga niya ang pamumutla ng mukha niya. "Inutusan kasi ako ni Kurt na bilhin 'yong pagkain niya na kinain ni Uriah kaya 'yon, medyo hinihingal pa. Hehehe!"

" Bekla iba na 'yan , magpacheck-up ka na tangek." ngumiti lang ng pilit sa kanila si Agatha at hindi na sumagot.

" Kinakabahan ako!"–Demi.

" Taray! Nakakaramdam ka pala n'yon." pang-aasar ni Nicolo.

" Ako din kinakabahan para sa inyo." –Agatha.

"Kinakabahan ako dahil baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at makasakit ako kung sakaling may bumastos sa akin dahil sa suot ko. Masira ko pa ang plano tsaka ano... baka asarin nila ako."

" Gaga! Hindi naman malaswa, e. Elegant naman ang dating at seductive lang ang porma mo ngayon. Hahaha! Huwag kang mag-alala, for sure mapapanganga sila. Ang ganda mo kaya." –Nicolo.

Napatingin si Demi kay Nicolo at natuwa sa papuri nito.

"Nicolo, pakalalaki ka na."

Nagulat sila Agatha at Nicolo sa seryosong sinabi ni Demi.

"Tigilan mo ko bekla, wag kang matakot maganda naman ikaw mas maganda nga lang ako."

Pagkatapos ng orasyon nila ay tahimik silang lumabas ng banyo. Naunang maglakad si Agatha papunta sa sala kasunod si Nicolo na inaalalayan sa paglalakad si Demi.

" Ready na rin ang abandoned house na pagdadalhan kina... kina ano..."

Nakalimutan ni Jonas ang sasabihin niya nang mahagip ng mga mata si Demi na nahihiyang nakatayo sa gilid malapit sa display area. Kaya naman nagtaka ang iba at napatingin din sa tinitingnan ni Jonas.

Kita mo sa mga mukha nila ang pagkamangha kay Demi. 'Di nila inaakala na ganoon kaganda ang magiging resulta ng make-over.

" Sis ang ganda!" – Chin.

" Witwiw!" –Kurt.

Habang nakaawang ang bibig ni Jonas, napatingin ang ibang kaibigan sa kanya kaya agad 'tong bumalik sa katinuan.

" Ano ... ano ba 'yan! Wala na bang ihahaba 'yang suot mo? Nagpalda ka pa!" malakas niyang sabi.

Natawa lang sila Agatha sa reaksyon ni Jonas. Nabubulol siya habang nagsasalita at hindi makatingin ng matagalan kay Demi.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon