chapter 1o: Flashack: The Plan

1.7K 68 1
                                    

Chapter 1o: flashback: the plan


Roshan's POV

"tingin mo tama ginawaa natin Chim chim?" I asked him while lying here sa garden. Dahil sa ako na ang namamahala sa dalawang kaharian, wala na akong masyadong time para magpahinga ng ganito. buti na nga lang at nag volunteer muna si ate Pearl kahit isang araw lang na mamahala sa dalawang kaharian, or should I say one kingdom?

"Roshan, ilang beses mo na ba yan naitanong sa sarili mo? kung ano man ang ginawa natin, nangyari na yon. At isa pa, nangyari na, wala nang magagawa pa. nandiyan na eh" sabi ni Chim chim habang nakahiga ang ulo niya sa mga hita ko.

Haist, ang hirap naman. Feeling ko nagsisisi ako sa ginawa namin ni Chim chim. Pero I think para naman ito sa ikabubuti ng lahat.

Ano ba yung pinaguusapan naming dalawa ngayon? Tungkol lang naman sa enchanted world. Ganito kasi yon...

Flashback...

"how's the project going?" I asked them

"okay na! final retouching na lang!" sagot naman ni Amber

"how about the plans, plantsado na ba?" I asked again.

"don't worry Roshan. Tingin ko sobrang stressed ka na! gusto mo bang magpa facial treatment muna tayo?" aya ni Blair. Haist, napabuntong hininga na lang ako. Baka nga stressed na ako.

"hey, what's your problem?" Chimchim asked me too

"guys, tingin niyo ba tama talaga itong gagawin natin?" muling tanong ko sa kanila.

" we can't say about that Roshan. Malalaman lang natin kung tama nga ba ang isang bagay kapag ayos ang kinalabasan ng isang disisyon. But for now, napag disisyunan nating lahat na ito ang gawin para sa ikabubuti ng lahat at sa ikaliligtas ng mga taong walang element." Sabi naman ni Micla.

I guess she's right. Pero duda pa rin talaga ako sa disisyon na ginawa este gagawin namin.

"okay na! pwede na nating simulan ang pruyektong ikatatahimik ng lahat" nakangiting sabi ni ate Ana

"hey, kuya Daren tingin mo ba okay lang talaga ito?" I asked again for the nth time.

"Roshan, napagdisisyunan natin tong lahat. Kaya sakali man lang na magkaroon ng problema sa gagawin nating ito, hindi lang ikaw ang may kasalanan kundi lahat tayo dahil lahat tayo ay sumangayon dito. Ginusto natin ito." Paliwanag ni kuya Daren at inilapag na ang mga papel sa lamesa.

Ipinaliwanag na sa aming lahat ang mga plano, gagawin and such. Haist, kaya ko ba talagang gawin ito?

"are you sure na gagamitin ninyo si Roshan? Hindi ba delikado para sa kanya?" alalang tanong ni kuya Arthur.

"we're risking Roshan's life. Hindi ba pwedeng ako na lang?" sumingit naman si Chim chim.

"our decision is final guys. I might be risking my own life but the people out there should be protected. Mas mahalaga ang buhay nila dahil tayo ang tagapagprotekta nila. Sige, let's say na nagkaayos na nga ang enchanted at diablerie. But what if there's someone out there na nag iisip maghiganti sa akin? Sa atin? We should protect everyone."

Napatahimik sila dahil sa sinabi ko. Alam kong nag aalala sila para sa akin pero mas inaalala ko ang mga taong nasa labas ng mundo ng mga elemento at kapangyarihang meron kami ngayon. Ginagawa ko ito para sa mga kapatid ko, si Rouie at si Robbie, maging na din sa mga kaibigan ko sa dati kong eskwelahan at sa lahat ng normal na nabubuhay na tao.

This is my duty, to protect them from any harm.

Maya maya lang ay natapos na ang plano. We all agreed na bukas gawin ang planong pagbabago. This will be hard for me, for Chim chim, for us.

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon