Special Chapter #6: Blair and Alex

1K 29 10
                                    


"oh my gosh Alex! gusto ko ng manggang hilaw! please!"

after a year and a half, heto at buntis na si Blair sa ikalawa nilang anak. Alex and Blair's first child was a boy. nakuha nito ang features niya sa kanyang daddy.

"shh, don't cry baby Matt, here's your milk" binigay ni Alex ang bottled milk sa one year old baby nilang anak ni Blair.

they went to the southern part ng Pilipinas, specifically sa Cebu. they decided to stay here since Alex's family, the mother's side is from cebu at may mga kamag anak din naman si Blair dito.

they have no news tungkol sa iba nilang kaibigan. they lived peacefully sa Cebu after they left the academy.

"Pa---pa" sabi ni baby Matt na ikinagulat nila Blair at Alex. baby Matt still doesn't talk but he can already walk kaya minsan napapabayaan na nila ito sa living room or the room itself.

"Blair, babe he called me papa!" tuwang tuwa si Alex. never imagined a silent type of boy be like this? well, people change or if not, another one will make someone's true character out. maybe Alex was just reserved after all.

"nah, ayoko ng papa! gusto ko pappy! baby Matt, tawagin mo siyang Pappy okay? ayoko ng papa" nakasimangot na sambit ni Blair. dala siguro ito ng pagbubuntis niya.

niyakap na lang siya ni Alex dahil tuwang tuwa ito at tinawag na siya ng anak niya ng papa. kumalas na din sa pagkakayakap si Alex at si baby Matt naman ang niyakap niya. matapos noon ay maghapon ng nakipag laro si Alex kay baby Matt.

"hoy Alex! yung manggang hilaw ko!" at maghapon nang nagmaktol si Blair tungkol sa manggang hilaw niya.

***

"babe, we need to move to Laguna. I got a job there."

tinitigan lang ni Blair si Alex habang hinihimas ni Blair ang malaki na nitong tiyan.

"do you think I can travel at this rate? bawal kaya sumakay don ang buntis!"

" we'll ride a ship"

wala nang nagawa si Blair. after three weeks, nag travel din sila. the ship sailed for days at nang makarating sila sa daungan, they have to ride a bus para makarating sa paroroonan.

mabuti na lang at hindi maselan ang pagbubuntis ni Blair at nakasakay sila ng bus ng ligtas. ngunit lingid sa kanilang kaalaman, maging sa bus din pala ay hindi sila ligtas.

mahimbing ang tulog ng dalawa nang makarinig ng sigawan.

"NAWALAN NG PRENO ANG BUS!"

napuno ang sasakyan ng nakakarinding sigawan. maging sina Alex at Blair ay nabalot ng takot para sa kaligtasan nila, sa kaligtasan ni baby Matt at ng baby sa sinapupunan ni Blair.

mahigpit na hinawakan ni Alex si baby Matt at ang kamay ni Blair habang si Blair naman ay taimtim na nagdadasal na sana ay makaligtas sila.

patuloy na nagsisigawan ang mga tao nang biglang yumugyog ang bus at tuluyan na itong sumalpak sa konkretong dingding. nawalan ng malay si Blair at Alex at ang baby naman na si Matt ay ligtas dahil yakap yakap ito ng kanyang ama.

mayamaya pa ay naalimpungatan si Alex. nakahinga siya ng maluwag nang pulsuhan niya ang mag ina niya at makumpirma niyang buhay pa ang mga ito.

karamihan sa sakay ng bus ay wala pa ding malay kaya naman agad na nagisip si Alex ng paraan para makahingi ng saklolo.

nakakita siya ng isang cellphone. mukhang gumagana pa kaya sinubukan niyang gamitin upang tumawag sa emergency hotline.

"sorry, your load balance is not enough to make this call. please...." hindi na pinatapos ni Alex ito dahil naihagis na niya sa inis ang phone.

nakita siya muli ng isa pa ngunit malayo layo ito sa kanila at sinubukan muli itong gamitin upang tumawag. agad na may sumagot at inireport niya ang nangyaring aksidente.

nakahinga siya muli ng maluwag matapos marinig ang sirena ng ambulansiya. naupo siya doon karga karga ang bata. ilang oras din siyang nakaupo ng ganoon, tila ba nag blackout ang utak niya sa mga pangyayari. hin siya makapaniwala na sa isang malagim na pangyayari lang mauuwi ang pamilya nila.

pamilya

tila ba naalimpungatan siya nang makarinig ng sirena ng ambulansya. sunod sunod na dumating ang mga ambulansya mula sa iba't ibang ospital. maging mga pulis ay dumating na din.

pilit na humihingi ng tulong si Alex ng tulong habang karga karga si baby Matt. pilit niyang hinihila ang mga paramedics para dalhin kina Blair at saklolohan ang kanyang mag ina ngunit walang pumapansin sa kanya.

"tulong! tulunga niyo ang mag ina ko!" maluha luha na si Alex at maging si baby Matt ay iyak na din ng iyak.

walang nagawa si Alex. napag disisyunan na lang niya na bumalik sa lugar kung saan naiwan ang kanyang mag ina ngunit wala na siyang nadatnan.

"nakita niyo ba ang magina ko? nasaan na ho yung buntis na nandito?" pumipiyok man ang boses dala ng kanyang pag iyak, walang sawang naghanap si Alex sa kanyang mag ina

"kumalma lang ho kayo, baka nadala na ho sa ospital ang asawa ninyo" pagpapakalma sa kanya ng mga nurse na nasa lokasyon

"hinde. nasaan sila Blair!? dalhin niyo ako sa kaniya! ang baby namin! ang baby namin iligtas niyo siya! iligtas niyo sila!"

patuloy na sumisigaw si Alex, patuloy na umiiyak at patuloy na naghahanap sa magina niyang nawawala. tila ba tinakasan siya ng lakas ngunit tinulungan siya ng mga nurse na nasa lugar.

"sir kalma lang po. sir halika ho, dadalhin ho namin kayo sa ospital para malapatan kayo ng pangunang lunas. gagamutin din ho namin ang bata" sabi pa ng isang nurse.

wala na sa tamang wisyo si Alex na karga karga pa din ang naiyak na batang si baby Matt. nawalan siya ng malay habang kinuha naman ng nurse ang bata at isinakay sa stretcher si Alex. dinala silang dalawa ni baby Matt sa ospital at hindi na nila nahanap pa si Blair at ang baby na nasa sinapupunan ng asawa.

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon