chapter 32: I have to

896 45 2
                                    

Cyril's POV

panibagong araw, panibagong paghihirap. hay. buti na lang talaga at may scholarship ako.

I plan to just pass my requirements today kasi may raket pa ako ngayon eh. sayang yung kita.

naglalakad na ako ngayon papunta ng classroom. nang makapasok ako ay nilingon lingon ko ang paligid ng classroom. nakita ko ang kumag kasama ang barkada niya except kay Clarence.

bigla na lang pumasok ang prof namin. patay na. iiwanan ko na lang sana itong assignments ko kay Rein, seat mate ko. kaya wala na akong nagawa kundi ang mapaupo muna. may 1 hour pa naman bago ang raket ko

pero matapos makapasok ang prof namin, biglang sumunod na pumasok si Clarence... si clarence na may kasamang babae? hindi na bago yun since babero naman siya pero that girl, why is she here?

"okay class, here's a sit-in student. come here hija, introduce yourself" introduction ni prof sany. siguro there's something special with her dahil may introductions pang nalalaman eh college na kami. ano to, balik elem kami?

"hello everyone, i'm Roshan, daughter of your professor" pakilala niya. nginitian ko siya nang mapagawi soya sa pwesto ko pero no response. wow lang.

" okay then, dun ka na lang muna tumabi kay Clarence since matagal na kayong magkaibigan." sabi ni prof at umupo na nga sila sa bandang likuran kung saan ang pwesto ni Clarence. dala dala pa talaga ni Clarence ang bag ni Roshan making them look like a couple.

"is she Clarence's new girl?"
"it seems na nakapagpalit na ulit siya"
"wait, who's the last one nga ba?"
"hindi ba siya din yon?"
"what!? siya ba yung pinakilalang girlfriend ni Clarence sa may rooftop na after a few weeks eh basta basta na lang iniwan si Clarence?"
"kamukha niya si girl"

"OMG! i wonder why head over heels yang si Clarence sa babaeng yan!"

"right. if she's the daughter of our prof, baka gagamitin lang niya si girl para pataasin ang grades niya" 

"oo nga no! hahaha"

hay nako ang mga kaklase ko nga namang pinaglihi sa cheesy chicken sandwich. chismosang putak ng putak  na kung manamit akala mo sobrang payat. nakakahinga pa kaya ila dun? mukhang puputok na eh. kala mo naman facts yung sinasabi nila. kainis diba? 

nilingon ko muli si Roshan but she's talking to Clarence. she seems a little... relaxed? the last time I checked bumalik na siya sa EA at nagkaayos na sila ni Joachim. and now nandito siya ulit? what's her purpose? ang nakapagtataka pa ay nagpakilala siya bilang anak ng prof namin. what's the point kung nandito naman din sa human world sina king and queen?

nakakalito na. mamaya na lang siguro pagkatapos ng subject na ito ko siya iaapproach. makikinig na sana ako.sa lessons ni prof nang biglang may narinig akong nakapagtataka.

"bro! ano yan, bagong chix? pang ilang araw yan?" tanong ng katabi ni kumag. hindi niya iyon kabarkada as in isa sa trio nila, saling ketket lang ba.

" she's not just a fling bro. she's my girlfriend" diretsuhang pagsasabi ni Clarence at literal na napanganga ang bibig ko. what the!? gulong gulo na talaga ako!

"and don't you ever dare to touch her or else ako ang makakalaban mo" malinaw na pagbabanta ni Clarence sa lalaki.

gulong gulo na ako. nag away nanaman ba yung dalawa? nag away nanaman ba sila ni joachim? may amnesia nanaman ba si roshan? ano to, naka unli ba ang scenes na to? nag shoshoot ba kami ng movie? may hidden camera ba? what the hell is going on?

" hi! i'm Roshan. and you are?" nakikipag usap na si roshan dun sa nagtanong kay clarence. she's extending a hand pero agad na hinawakan ni clarence ang kamy niya para wag itong hawakan nung nagtanong na guy.

"I told you never to touch her" pagbabanta ni Clarence pero winakli lang ni Roshan kamay niya at nakipagkamay ito sa lalaki nang sabihin niya ang pangalan niya.

"pasensya ka na at overprotective  tong si Rence." sabi pa ni Roshan

"asus. anong gayuma pinainom mo jan ha Roshan? ngayon ko lang nakitang medyo nagseseryoso yan. by the way, i'm Reigh" singit na ni Reigh sa usapan.

"ah, galing kasi ako sa england and I bought him tea. yung popular healing tea sa england which they call Dinamaka Tea. siguro kaya stick to one na siya"  nakangiti na sabi ni Roshan at nagpipigil na sila ng tawa, nagpipigil na kami ng tawa. kaya pala hindi na nangbababae tong si Clarence, naka inom pala ng di na makati este Dinamaka Tea pffft.

"oh, eto nga pala si cyril. Cyril meet Roshan. Roshan, meet Cyril." nakangiting sabi ni Reigh. pinakilala niya rin ako kahit na magkakilala na naman kami. siguro since nasa right side ko lang si Reigh and close naman kami kaya sinali niya ako sa usapan.

"I already know her" nakangiti kong sabi at tumingin ako sa gawi ni Roshan pero napakunot lang ang noo ko sa naging tugon niya.

"have we met before? this may sound rude but honestly I can't remember you. have we met before?" napanganga ako sa tanong niya. ano to lokohan? napatawa na lang ako ng mahina. 

"come on Roshan. wag ka nang magpatawa. you know me, Cyril Tan and sometimes you call me Alchemy right?" pinipilit kong ngumiti. ayokong mapahiya kaya please umoo ka! hindi ito isang drama na nawalan na naman ang memorya mo!

"i'm sorry, baka kamukha ko lang at kapangalan ko lang yung Roshan na yun kasi i don't remember someone with the name of Cyril or Alchemy. sorry" magsasalita pa sana ako nang idismiss agad ng prof ang klase. nagsitayuan na sila at ayun si Clarence, kasama si Roshan na umalis.

sinundan ko sila ng palihim. nakita kong isinama ni Reigh si Roshan sa may canteen at si Clarence naman ay nag banyo. this is my chance. i'm going to ask him. sana lang talaga makakuha ako ng sagot kasi sobrang nakakapagtaka na eh.

Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Clarence. Agad ko siyang hinarang. ofcourse, nagtaka ang chic boy.

"what do you want Cy? if you're offering yourself to me well i'm sorry kasi seryoso na to. " sabi niya kaya napangisi na lang ako sa kanya.

"makapal pa rin talaga ang mukha mo." sinabi ko ito sa kanya ng harap harapan.

"well, back to our topic. what happened to Roshan?" panimula ko habang naka pamewang. isinandal niya ang balikat niya sa dingding at tumingin sa akin.

"what do you mean anong nangyari sa kanya? she's totally fine. kakagaling nga lang nila sa england with her true mom." sabi ni Clarence. wait, true mom? ano daw?

"anong true mom? si que--- este tita wendy lang naman ang nanay niya eh" nagtataka kong tanong.

"that's the funny part. hindi pala si tita wendy ang true mom niya. it turned out na ampon lang si roshan. ayun nagalit si roshan sa mommy niya at sumama sa true mom niya pabalik sa england and here she is, masaya na with her true family" explain niya.

what the fudge! ano nang nangyayari sa mundo!? ang gulo gulo na! hindi na ako updated! ano ba yan puta!

buti na lang nakuha ko number ni Egress. I have to go to EA again. ugh

a/n: hindi ko din alam kung bakit naputol kaya I have to rewrite it again. buti kakaunti lang yung naputol. so there, ang gulo na no? miski ako naguguluhan na din lol. so, I hope you enjoyed reading po:) may pasok nanaman sa monday ugh.

ah! yung characters nga pala dito sa chap,nasa book ni alchemy este cyril. yun nga lang on hold pa siya haha. pero naipakilala na dun sina clarence at kumag/Tyler :)





EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon