nagsindi ng isang daan na maliliit na kandila si Nicolo sa simbahan. tila ba seryosong seryoso siya na magdasal dahil gusto niyang matupad ang kanyang mga kahilingan.
"Lord, Papa God, Heavenly Father o kung ano man po ang gusto niyong itawag ko sa inyo alam ko pong ngayon lang ako nakatungtong muli sa inyong tahanan pero sana naman po pagbigyan niyo ako" dasal ng lalaki
"utang na loob na po sana sapian si Heira babes ng mabait na ispiritu at itigil na niya ang mga pinapagawa niya sa akin, nakakabawas po ng kagwapuhan Panginoon"
mayamaya pa ay nag ring na ang phone ni Nicolo dahilan para mapalunok siya ng OA. yung para bang gulp ng mga cartoons pag alam nilang may hindi magandang mangyayari.
Heira babes calling....
medyo nanginginig man ang kamay, sinagot din ni Nicolo ang tawag. nagaabang na si Nicolo ng malakas na sigaw mula kay Heira kaya medyo inilayo na niya ang phone sa tenga niya pero nagtaka siya nang walang marinig na sigaw kaya inilapit niya na ang phone sa tenga niya.
(Nicolo, nasan ka na? gusto ko na ng ampalaya ice cream)
jusko Lord!
may kaunitng ngiti na namuo sa labi ni Nicolo. tila ba kasi mabait na ang tono ni Heira, hindi tulad kanina at noong nakaraang mga linggo na kung makasigaw wagas, kung makautos wagas. para bg na totrauma na si Nicolo kay Heira pero tinitiis niya lang ito.
"papunta na dyan labs" sagot ni Nicolo
"ayoko nga ng labs! gusto ko Honey ang itawag mo sa akin"
"okay, papunta na dyan Honey"
"yiieee! okie, love you bee" napangiwi na lang si Nicolo nang marinig nanaman ang endearment na binigay ni Heira sa kanila. dapat daw kasi si Heira si honey at si Nicolo naman si bee. since sweet naman 'daw' silang dalawa, nagpaka honey bee sila since sweet naman daw yun. and besides, kamukha naman daw ni Nicolo si Jollibee kaya bagay na bagay daw sa kanya ang 'bee'.
naalala nanaman ni Nicolo ang mga panahong iyon. sa sobrang inis niya ay kinaladkad niya si Heira sa optalmologist para ipatingin ang mga mata ng asawa pero wala naman daw diperensya ang mga mata ni Heira.
tapos non, nahilo si Heira kaya since nasa ospital na din naman sila, pinacheck up na niya si Heira and boom! sa ob pala ang bagsak nila. and that's when they confirmed that Nicolo would be a daddy.
Nicolo arrived at their house. napabuntong hininga siya, hinanda na niya ang sarili niya sa pusibleng mangyari sa kanya. pero pag pasok na pagpasok niya sa loob, sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Heira.
agad na hinipo ni Nicolo ang noo ni Heira pero hindi naman ito mainit. nagtaka tuloy siya.
"anong meron?" tanong ni Nicolo
"wala wala! haha tara! gusto ko nang kainin yan!" at kinaladkad na ni Heira ang asawa sa kusina. doon na nga kumain ng ice cream si Heira
maya maya pa ay may narinig na na busina ng kotse ang dalawa. napatingin si Nicolo kay Heira dahil tuwang tuwa ito at nagmamadaling pinagbuksan ng pinto ang dumating
" oh ayan na, grabe makademand ka naman ng costume wagas ah" nakita ni Nicolo na may iniabot na box si Micla sa asawa nito. maya maya pa ay pumasok na ang asawa ni Micla, si Yoichi.
isa na kasing fashion designer si Micla. habang pinagbubuntis ni Micla ang kanilang panganay, wala itong ibang kinahiligan kundi ang mag design ng mga damit.
"thanks!" tuwang tuwa na sambit ni Heira.
"oh my gosh!" at napatili si Heira nang makita ang loob ng box.
"good luck pre" tinapik ni Yoichi ang balikat ni Nicolo na agad naman niyang pinagtaka ni Nicolo
"Nicoloooo! tara mag shopping!" aya ni Heira
"hah? eh nadito sila Micla tapos lalayasan natin sila?"
"ayos lang kami dito kuya, lakad na at excited na yang si ate Heira" paninigurado ni Micla
"hayaan mo na yang dalawang yan! malalaki na yan" sabi naman ni Heira na tila ba may inaayos sa sala.
palabas na sana ng pintuan si Nicolo dala ang susi ng kotse nila nang bigla na lang tinawag siya ni Heira
"Nicoloooo! nakalimutan mong isuot to!" sabi ni Heira na siyang ikinalingon ni Nicolo.
napa what the fuck na lang si Nicolo nang makitang may hawak na costume si Heira ng little mermaid.
"ano yan?" bakas sa mukha ni Nicolo ang pagtataka at kaba.
"isuot mo to dali! tapos punta na tayong mall!"
at dahil dito ay humagalpak na ng tawa sina Yoichiro at Micla.
"woooh! buti na lang hindi ganyan magbuntis ang asawa ko!" sabi ni Yoichiro sa pagitan ng kanyang mga tawa.
walang nagawa si Nicolo kundi ang isuot ang costume. may parang bra na kabibe na kulay ube at isang fit na telang berde na nagmukhang buntot ang suot ngayon ni Nicolo pauntang mall.
pagkarating na pagkarating nila sa mall, pinag titinginan na sila ng mga tao, pinagtitinginan na si Nicolo ng mga tao. nakayuko buong magdamag si Nicolo para ibsan ang kahihiyan niya ngayon.
"waaah! ang cute naman nito!" nasa toy kingdom na sila ngayon. may nakita si Heira na isang napakalaking laruan na Alvin and the Chipmunks.
"tara na uwi na tayo Heira" pag aaya ni Nicolo dahil sobrang hiyang hiya na siya sa kanyang sarili pero si Heira, ayun parang walang narinig.
maya maya pa ay biglang may nagpatugtog ng "under the sea" kaya lalong namula ang mukha ni Nicoli
"oh my gosh! Nics sayaw muna daliii!"
"bwisit. ipapasara ko tong mall na to eh. nakakababa ng pagkalalaki to ah. kung hindi ko lang magal si Heira eh" bulong ni Nicolo sa kyang sarili.
"tara na Hei, bilhin na natin yang Alvin and the chipmunks mo at umuwi na tayo" aya bi Nicoli
"no! dance first!"
"ano bag gusto mong gawin ko para umuwi na tayo? wag na wag mo lang akong papasayawin utang na loob"
"umm, sige. bilhin na lang natin to tapos gusto ko Alvin ang ipapangalan natin sa baby. kung babae man siya o lalake, Alvin ipapangalan natin" nakangiting sambit niya
napa oo na lang si Nicolo dahil gustong gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. pero sa isip isipan niya, what the fuck? ginawa pang chipmunk ang anak ko?
sa huli, wala din naman siyang nagawa. no choice kundi ang ipangalan ang Alvin sa kanilang soon to be prince or princess.
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable