"saan ka pupunta?"
kanina pa nangungulit si Yoichiro kay Micla. kakarating lang nila sa lupa galing sa academy.
"uuwi na nga ako!" inis na inis na sagot ni Micla dahil hanggang ngayon ay sinusundan pa din siya ni Yoichiro.
"oy Clarix! tara na. may taxi na dito!" aya ng kuya ni Micla na si Nicolo
"oo ayan na!" kinakaladkad na ni Micla ang maleta nito pero pinigilan siya ni Yoichiro.
"ano ba!" sigaw na ng naiiritang si Micla
"saan ka nga kasi pupunta?"
"uuwi na nga! kuyaaaa!" hindi na niya mapigilan ang sarili at tumawag na ng back up.
"ano?" agad namang lumapit si Nicolo na tila medyo naiinis na din. sino ba naman kasing hindi maiinis eh tumawag ka na nga ng taxi hindi pa din nalapit ang kapatid niya. ayun, tinakbuhan tuloy sila nung taxi, akala siguro nang gogood time lang si Nicolo.
"eto kasing si Yoichi ayaw bitawan yung maleta ko!" parang bata kung makapag sumbong sa kuya niya when the fact is they are already on their 20's.
"hoy ikaw hah! tigilan mo nga kapatid ko! hindi porket malinaw nang hindi ka namin kadugo ay pwede mo nang ligawan itong kapatid ko hah!" protective brother ang dating ni Nicolo.
let me remind you, noon ay nareveal that Nicolo and Yoichiro were cousins. and it turned out that Micla is the long lost sister ni Nicolo. therefore, hindi pwedeng magkatuluyan si Yoichi at si Micla.
when Yoichiro found out about this, nagpakalayo layo muna siya. nagisip isip siya ng mabuti and then he decided to investigate. naghanap siya at umupa ng isang private investigator para lang klaruhin kung talaga bang hindi sila pwede ni Micla.
after months of investigating, he found out that he was adopted. when he found that out, hindi ang paghahanap sa tunay niyang pamilya ang unang sumagi sa isip niya. he rejoiced knowing na may pag asa sila ni Micla.
Yoichiro's parents were even shocked that he thanked them. his parents already set themselves for this day. hinanda na nila ang sarili nila sa mga salitang maaaring bitiwan ni Yoichiro once na malaman nitong ampon lang siya but what happened was really unexpected. he even thanked them.
" hindi ko na kailangang manligaw Nics, kami na naman ni Micla eh."
natulala si Nicolo nang marinig ito at napahilamos naman ang kamay ni Micla sa mukha niya.
"I told you not to tell anyone" mahinang bulong ni Micla kay Yoichiro pero tumawa lang ito.
"tara na nga, sabay na kayo. pinasundo ako ni tita, isabay ko na daw kayo" Yoichi said.
simula nang malaman ni Yoichi na ampon lang siya, sinanay na niya ang sarili niyang tawagin ng tita at tito ang mga taong nagpalaki sa kanya. although he's greatful, mas gusto niyang ipursue ang relationship niya kay Micla.
after almost a year...
"Yoichiro! dalhan mo ako dito ng Orange! pinakasalan mo ako meaning alipin na kita!" sigaw ni Micla at agad naman siyang sinunod ni Yoichi
"grabe, sirang sira ang pride ko dito ah. dapat kasi hindi na lang ito hiningi kong premyo" bulong ni Yoichiro
"may sinasabi ka?" pagtataray naman ni Micla
"wala po! eto na po" sabay abot nung orange.
lahat ng disisyon nila sa buhay ay ibinase nila sa computer games. for example, maglalaro sila ng DOTA, whoever lose have to grant the winner's request. sa ganitong paraan napasagot ni Yoichiro si Micla, both to be his girlfriend and to be his wife. and now, he's going to be a father.
"oh shit. ang sakit ng tiyan ko! puputok na ata pakwan ko! Yoichi dalhin mo na ako sa ospital! now na as in NOW!" sigaw ni Micla at mabilis pa sa alas kwatro ay pinaandar na ni Yoichi ang sasakyan.
nakapanganak na si Micla ng maayos. kasi hindi normal deliveration ang nangyari, she gave birth through cesarean. hindi maiwasan ni Yoichi ang mag alala kaya parang nabunutan ng tinik si Yoichi nang malamang successful na ang operasyon at ligtas na ang magina niya.
as of right now ay wala pa ding malay si Micla. karga karga ni Yoichi ang baby nila. it's a boy.
"ang pogi nan ng baby namin. hmm, ano kayang ipapangalan namin sayo?" tila ba masayang masaya niyang kinakausap ang bata habang nasa pagitan ng mga braso niya ito.
"because I love you and your mom so much, I will name you Mikael. Mikael, a male version of your mom's name, Michaela."
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable