chapter 14: girl talk*

1.3K 60 1
                                    


come on Aouie, wake up


i heard someone inside my head saying these words. dahil dito, unti unti kong iminulat ang mga mata ko. unang tumama sa mata ko ang liwanag pero nang makaraan ang ilang saglit pa ay naaninag ko ang mukha ng isang lalaki. ang lalaking mahal ko.


pinagmasdan ko ang mukha niya at maging siya ay nakatingin din sa akin pero nang mapagtanto niya ito ay agad siyang umiwas ng tingin at binawi ang pagkakahawak sa kamay ko. biglang may nagsalita sa likod niya na ikinalingon ko.


"gising na siya Joachim" wika ng babae at napagtanto kong si Clair pala ito, ang babaeng kasama ni Joachim at ang babaeng mahal ni joachim. ang dating kong kaibigan na ngayo'y girlfriend na ng taong mahal ko

akala ko panaginip lang ang lahat. akala ko okay pa rin kami ni Chim chim. akala ko panaginip lang ang nakita ko pero isa pala itong masakit na katotohanan. pinilit kong ngumiti para batiin si Gail.


"hi" bati ko pero halos walang boses na lumabas sa mga bibig ko. pinilit kong umupo dahil ayoko ng feeling na ako ang nakahiga sa clinic bed.


"wag kang malikot, baka mapagalitan pa ako ni Darren" wika ni Chim chim. akala ko sa kanya mismo nanggaling yun pala sa kuya ko pa.


"ayos lang, kaya ko." sambit ko at naupo sa kama. napuno nang katahimikan ang paligid at maya maya pa ay dmating na sina kuya Darren, kuya Arthur, kuya Alex at ang buong barkada.


actually, pansin kong cold ang pakikitungo ng mga kuya kay chim chim. anong meron? dati kasi lagi silang nag bo-bro fist bomb pag nagkikita kahit nga ilang minuto lang sila indi nagkita pero ngayon para bang hindi na sila close.


"Roshan, how are you feeling?" tanong ni kuya Alex


"obvious namang hindi pa siya okay ah" narinig ong bulong ni kuya Athur na ikinatawa ko ng mahina.


"don't worry kuyas, okay na ako. healthy ata to!" pagmamalaki ko.


nakita kong papalabas na sina Chim chim at clair ng kwarto at sinundan ko ito ng tingin. hindi ko alam pero sakit ang nararamdaman ko. hindi niya man lang ako kinamusta o hindi man lang siya nagpaalam na aalis na siya. sa bagay, sino ba ako sa kanya? hindi naman niya ako girlfriend.


"hayaan mo na iyong gagong yong, wala iyong pakialam sa iba. nagbago na siya Roshan." wika ni kuya Darren at may bakas ng galit o lungkot sa boses nito kaya napabuntong hininga na lang ako.


"GUYYYSSS! IT'S A GIRL TALK!!! labas muna lahat ng lalakeee!" pagkapasok na pagkapasok ni Blair ay agad niya itong sinigaw.



bakas naman ang inis sa mukha ng mga kuya haha. minsan na nga lang kami magkwentuhan hahadlangan pa ni Blair haha. wala naman slang magagawa kasi Blair is the boss haha.


nang makalabas na ang mga kuya ay nagsiupuan na ang mga babae sa sofa at ang ilan ay sa tabi ko pa. so they called out a girls talk?

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon