chapter 39: can't understand

794 37 2
                                    


Roshan's POV


"so, this is our school Garden. magical, just like our school, our academy" Blair introduced the place. i took my first roam but everything seems familiar. para bang nanggaling na ako dito. 


my head ache but i ignored it but then a vision came.


may isang babaeng naglalakad at nabunggo siya ng isang lalaki. the boy asked the girl if she's okay and the girl nods in response. they both said sorry to each other.

"Ayos ka lang?" tanong nya ulit sa akin. Tiningnan ko naman sya. Mabait to pramis!

"ah.. eh.. oo ok lang ako. Sorry nga pala kung nabunggo kita ah?"

"ako ang dapat magsorry kasi ako ang nakabunggo sayo. Hindi kasi ako natingin sa dinadaanan ko eh"

"ako din naman hindi natingin sa dinadaanan ko eh. Edi sana kung nakatingin ako hindi sana kita mabubunggo"

"oo nga naman haha. Walang kupas pa din ang pamimilosopo mo Roshan"

Nagtawanan lang kami don. Okay lang samin kahit medyo pinagtitinginan na kami. Magkaibigan lang naman kami eh. Napatingin tuloy ako sa hawak niya na bola 

"may laro ka ng soccer?" tanong ko sa kanya. Soccer ball kasi yung hawak nya eh. alangan namang maglalaro sya ng basketball gamit ang soccer ball ano?

"oo eh. Pero mamaya pa naman yon. Saan ka nga pala pupunta? Mukhang wala ka pang laro ngayon ah."

"oo nga eh. Wala pa akong mapiling salihan. Wala din naman akong mapupuntahan." Sabi ko sa kanya. Nagtaka naman ako ng biglang lumapad ang ngiti nya.

"ganun ba? Edi sumama ka na lang sa akin"

"huh? Saan naman?"

"jan lang sa damuhan. Tambayan ko na yan eh."

Sumama na lang ako sa kanya kasi wala naman akong gagawin eh. Naglakad kami papuntang garden. Walang tao dito kasi lahat sila nasa sports ground. Doon kasi ginaganap yung basketball, volleyball at iba pa.

"so... bakit wala ka pang masalihan?"

"eh kasi naman wala akong type eh." Simpleng sagot ko sa kanya habang medyo nagbubunot ng damo.

"ayaw mo ng volleyball? Matangkad ka, malakas, flat, bagay na bagay ka maging volleyball player"

Sumama ata ang timpla ko. Ano yung huli nyang sinabi? Doon sa description ng volleybell player?

"ano ulit yung huli?" naiinis na nagagalit kong tanong sa kanya. Grabe yung dugo ko umakyat na hanggang sa ulo ko.

"ang alin? Yung flat?"

Tumingin ako sa kanya. Yung masamang tingin na tipong kakain ka na ng tao.

"you PERV!"

"hahaha! Napanood ko naman yon sa GGV. Yung episode ng mga volleyball players? Ganun kasi ang description nila. Oy Roshan! Yung damo kawawa na. pati lupa kinakalbo mo na"

Hindi ko namalayan na ubos na ang damo sa paligid ko. Aish! Kainis talaga! How can he say that!?

Nang medyo kumalma na ako, nagsalita na ulit sya.

"Roshan?"

"hmm?"

"can you be my bestfriend?"

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon