chapter 21: ang unggoy at ang baboy

1.3K 64 3
                                    

Roshan's POV

"ate walanghiya gumising ka na diyan! aa! kanina pa don yung nobyo mo! grabe ka!"

ugh! ano ba yan, human alarm clock? gusto ko pa ngang matulog eh! ang aga aga pa kaya! ayaw magpaawat! may kapatid din ba kayong ganito? grabe, nagtalukbong na lang ako ng kumot para ipakita sa kanyang tutulog pa ako.

"kabata bata mo pa nagmumura ka na. sino bang mas matanda sa atin? ugh, patulugin mo muna ako please?" sabi ko na lang pero niyugyog niya pa rin ako para magising daw eh kitang gising na ako, ayaw ko lang talagang bumangon.

"bahala ka nga!" sabi niya sabay padabog na lumabas ng kwarto ko, as in kalabog yung pinto. yes sa wakas, sumuko din ang magaling kong kapatid. that means more sleep for me!

hindi ko alam kung ilang oras na ba ang nakalilipas pero bigla na lang may humigit ng kumot ko. ugh! "utang na loob patulugin niyo muna ako." i groaned.

"babangon ka diyan o kailangan pa ng magic kiss ni prince charming para magising ang sleeping beauty?"

nanlaki bigla ang mata ko sa boses na narinig ko. pagbukas na pagbukas ko ng mga mata ko ay bigla na lang mukha ni chim chim ang sumalubong sa akin. sa sobrang lapit nito ay naitulak ko siya na siyang ikinahulog niya sa kama ko.

"eto na eto na! babangon na o!prince charming ka jan, lumabas ka na lang ng kwarto ko please" inis na sabi ko. to my surprise, tumawa lang siya habang papalabas ng kwarto ko. "opo misis" sagot pa niya

"hoy! misis ka diyan! miss pa lang ako! di pa tayo mag asawa" sigaw ko sa kanya sabay hablot ng tuwalya para maligo sa banyo ko.

"dun din ang tuloy natin!" sigaw niya pabalik. tss.

naligo na ako at nagbihis. naka jeans lang ako and simple shirt tapos sling bag which contains all my necessities such as phone, wallet, id, and of course, pain killers. who knows, baka umatake nanaman ang migraine ko. natatakot na nga ako at matagal tagal din akong hindi pa nakararamdam ng sakit ng ulo. hindi naman sa hinihiling ko maramdaman ko ulit yon, this is just for safety precautions.

nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. pagkalabas ko ay nadatnan ko si Chim chim na nakikipaglaro ng baraha sa dalawa kong kapatid. aba't agang aga ay nagawa pang mag pekwa ng tatlong to. wait, may isa pang kasali?

"hay, game na, success na at nailabas ko na" narinig ko si tatay at nakita ko siyang papunta sa center table at naupo sa isang sulok hawak ang baraha nito. "wala bang nanilip ng baraha ko?" tanong ni papa kaya tumango tango na lang ang talto pero halata namang nandaya na.

"aish, gigising gisingin ako tapos dadatnan kong naglalaro lang ng baraha" bulong ko sabay upo sa sofa. kita ko ngayon ang baraha ni chim chim. alam na this.

"sino ba kasing may 6 na flower? ibaba na kasi at wag nang mangipit pa. grabe" narinig kong daing ni Robbie.

"matagal pa ba kayo diyan?" naiinip kong tanong.

"wait lang ate! ito naman atat makipag date. hayaan mo muna kaming mag concentrate at malaki ang naka pusta dito" sagot ni Rouie

aba at ako pa ngayon ang atat ah. hindi ako makapaniwala sa mga lalaking to. at nang tingnan ko si Chim, ayun natatawa na, tinatago lang sa likod ng mga barahang hawak niya. pinagkakaisahan nila ako ugh.

"wala na, talo na si Joachim jan" sabi ko sa kanila kaya't ang atensyon nila ay napunta sa akin. they're all so curious.

"ate, di mo naman kao nasabihan na nanghuhula ka na pala" wika ni Rouie

"ano ka si Heira?" narinig kong tanong ni chim chim habang nag iiscan ng kanyang baraha

"heira?" patay, ayan tuloy nagtaka si Robbie

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon