chapter 24: disaster

1.3K 58 2
                                    


Roshan's POV


"People! let us all welcome the last pair to join the couple club!" natatawang sigaw ni Nicolo. tss, pasaway talaga ito. 

"oo nga no! teka, sino bang nauna? si Blair at si Alex, si Nicolo and Heira, then si Amber at si Darren, then kami ni Micla, then si Arthur and Ana tapos--" - Yoichiro habang nakatitig sa phone niya at naglalaro ng clash of clans. sigh

"teka teka teka! sinong maysabing kami na nitong si Ana?" protesta ni kuya Arthur

"ako bakit?" nakangiting samibt ni ate ana. parang kailan lang si kuya Alex ang hinahabol habol niya tapos ngayon si kuya Arthur na. hahaha, ang bilis ng panahon ano?

"walang magagawa, masyadong nagsisigurado itong si Baboy eh" natatawang kumento ni Chim chim. ugh, baboy pala ah

"malay ko bang seryoso ka ba  baka nagloloko ka lang at panandalian lang iyan, unggoy" sagot ko

"WTF? baboy? unggoy? yan na ba ang best endearment niyo? ang baho!" sabi ni Amber na parang nagpipigil pa ng tawa

"mo!" sabay naming sabi ni chim chim at nagtawanan na kaming lahat habang si Amber, ayun tiningnan kami ng masama.

"but guys, serious talk. what happened here when we are gone?" nagtataka kong tanong. para kasing sobrang daming nangyari habang wala kami. to be honest i expected Joachim to take incharge alongside my sister while i'm gone kaso he left pala and he visited the human world.

"too long to tell, Roshy. come on, mag celebrate muna tayo for your relationship!" natatawang suhestiyon ni kuya Darren. Roshy? What the?

nagsasaya kami nang may bigla akong maalala. si Egress. ugh! how could i forget her? she will soon be the victim kung totoo man ang narinig ni Blair over the phone. i should call her.


third person's POV

nagpaalam muna si Roshan para lumabas upang hanapin si Egress. alam nitong malaki ang posibilidad na totoo ang sinabi ni Blair. nakaramdam siya ng kaba nang marinig niya ito at nang hawakan nito sa kamay si Blair para i-comfort nang araw na iyon, nakita niya ang mga pangyayari sa utak nito.

walang ibang nasa isipan ni Roshan kung hindi ay gawan ng paraan kung ano ang dapat niyang gawin sa posibleng mangyari. kailangan niyang ihanda ang kaniyang sarili.

naglalakad si ROshan sa pasilyo nang biglang may humablot ng braso nya mula sa likod niya na siyang ikinagulat niya. paglingon niya ay agad niyang nakita ang bestfriend niya, si Heira.

"what the! ginulat mo naman ako Heira" gulat na gulat na sambit ni Roshan pero agad naman itong nakahinga nang maluwag nang makitang si Heira lang pala.

"sorry, but we need to talk" sambit ni Hiera kaya agad na nakaramdam ng urgent matter itong si Roshan. agad niyang dinala ang kaibigan sa opisina niya upang makapag usap silang dalawa. she texted Joachim to fetch Egress. since this is urgent, she knows what to do first.

"tell me, what is this all about?" agarang tanong ni Roshan habang naupo siya sa isa sa mga upuan sa loob ng opisina.

"my vision, the future" diretsahang sambit ni Heira. ngayong nandito na si Roshan na siyang tinuturing na pinuno ng academy at ng buong kaharian, nararapat lamang na malaman niya ang nangyayari at mangyayari sa hinaharap.

"tell me more about it" sagot ni Roshan at umupo ito ng maayos. she sat up straight at ipinakita niyang interesado siyang malaman kung ano ang hinaharap.

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon