chapter 13: Faction before blood? i don't think so

1.6K 62 3
                                    

Chapter 13: faction before blood? I don't think so

"kamusta check up? Di mo man lang sinabi na magpapacheck up ka edi sana sinamahan na kita" sabi ni Joachim sa akin habang naglalakad ako papuntang opisina ko. Naks, opisina talaga eh ano?

"you're not even my boyfriend for me to tell you everything that I'll be doing" sagot ko sa kanya

"sagutin mo na kasi ako. Hanggang kelan mo ba kasi ako hahayaang manligaw na lang?" malambing na sabi niya. Deep inside natatawa ako hahaha.

"hanggang sa magsawa ka sa panliligaw mo sa akin" sagot ko habang may ngisi sa mukha.

"tss, that will never happen loyal kaya to!" masayang sambit niya.

Pumasok na ako sa office ko at dumeretso sa table ko. I picked up some documents and such habang si Joachim ay umupo sa may couch.

"what are you going to get here?" he asked and leaned on the center table to get some candy

"getting these papers?" I answered

"alam kong papel yan. What I mean is ano nanaman bang pinagkakaabalahan mo? You know what, sobrang stressed ka na these days. Might as well rest for a bit."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. He really is something. He will be a great partner for a lifetime.

Nang makuha ko na ang mga papeles ay agad na akong dumeretso muli palabas ng opisina. Agad na tumayo naman ulit si Joachim para nanaman sundan ako. Grabe siya, overprotective. But I like it somehow.

"you don't have to follow me always." Sabi ko while walking again in the corridor

"I have to. Mahirap na at baka mawala ka pa" he said kaya agad na kumunot ang noo ko.

"hindi naman ako mawawala dito. Kabisado ko na to no!" agad kong sagot.

"mahirap na at baka mawala ka pa sa akin. Kaya mas maganda kung lagi akong nasa tabi mo nang sa ganon lagi mong mararamdaman na nandito lang ako na nagmamahal sayo" seryosong banat niya pero bago pa ako makasagot may nauna nang nagsalita sa akin.

"naks! Anong nakain mo ngayon? Mukhang natututo nang bumanat si lover boy ah! Nag liveraid ka no!" kantiyaw ni Nicolo na pumagitna sa amin ni Joachim at umakbay sa balikat naming dalawa. Tss, basta basta na lang sumusulpot eh haha

"sira! Pang atay yon!" natatawa kong sagot kay Nicolo.

Bumitaw na siya sa pagkakaakbay sa amin at nakisabay sa paglalakad namin ni Joachim. Pilit na pinapalipat siya ni Joachim para tabi daw kami kaso ayaw ni Nicolo haha.

"mukhang iba ang aura mo ngayon ah lover boy" puna ni Nicolo kay Chim chim. Iba nga ba? I gave him a curious look. "mukhang ang aura mo ngayon ay *clear throat* makulay ang buhay! Makulay ang buhay sa sinigang na gulay!" kanta pa nito.

"wahahahaha! Saan ka naman naka kita ng sinigang na gulay! Sinigang na may gulay pwede pa pero sinigang ng gulay? Pffft" natatawa kong sambit. Imbento tong si Nicolo eh!

"baka ibig mong sabihin 'sa sinabawang gulay' hindi 'sa sinigang na gulay'" natatawang sambit din ni Chim chim

"tsk tsk tsk. Daig ka pa ng koreano eh! Haha aba! Mahiya hiya naman!" kantyaw ko sa kanya

"aish! Pogi pa rin naman ako kahit na magkamali ako. I'm only a handsome man that commits mistakes too" sabi niya sabay hawak sa may puso niya na para bang nasasaktan. Nako! Kadramahan nito! Samahan mo pa ng umiiral niyang kayabangan!

"back to the topic. Tell me, kayo na ba?" tanong ni Nicolo na agad naman akong napatingin sa kanya

"nope" I answered. "soon" sagot naman ni Joachim

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon