chapter 45: i love you to infinity

1.4K 49 6
                                    

Roshan's pOV

niretouch niya ako. nagulo ang make up ko dahil sa mga luhang dumaloy dito. kahit anong pilit ko ay naiiyak pa din ako.

"minsan talaga may mga bagay na hindi natin maiiwasan. minsan may mga bagay na dapat nating isakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami." narinig ko ang sinabi ng nagmemake up sa akin. pagtingin ko kung sino ito ay agad akong nagulat. how could she be here?

"gulat ka no?" napatitig na lang ako sa kanya. oh my gosh. bakit siya nandito?

"yeah, they rescued me last week yata, ewan. basta they came there, sa underground dungeon. pinakawalan nila ako and they injected me some vaccine daw. and yeah, naging sane na ako matapos akong maturukan non. pero ang mga visions ko sa hinaharap, ang mga instincts ko at ang gabi gabi kong napapanaginipan. they're all the same" seryoso niyang sambit. umupo siya sa harapan ko at inayos ang nakalaylay na buhok sa balikat ko.

"tita... tita ayoko na po dito. please tita, please help me escape" pagmamakaawa ko sa kanya.

"hija, gustuhin ko man na itakas ka mula dito, wala akong magagawa. ito na ang kapalaran mo. this is your faith hija. sundin mo lang ang ipapagawa nila sa iyo at magiging maayos ang lahat. magiging mapayapa ang mundo. hindi mo man mahal ang mapapangasawa mo, matututunan mo din naman itong tanggapin sa paglipas ng panahon." seryoso niyang pag aadvice sa akin pero heto nanaman ang luha ko at pumapatak.

"tita. tita bakit ganon. tita help me. i'm scared. i don't think i can be happy tita. bakit niyo po ba sinasabi iyan?" naiiyak annaman ako. nakakainis.

"iyon ang gusto kong sabihin sa iyo hija. but the thing is, nilihis mo ang landas mo. hindi mo na dapat ginawa ang proyektong iyon. your faith is destined to be good. pero dahil sa mga naging disisyon mo noon, naapektuhan ito ng sobra. " 

naguguluhan ako. ano ba talagang nangyayari? do i have that twisted faith? what will happen next? 

"hulihin niyo nga iyang baliw na iyan! hindi pa siya nabibigyan ng gamot kaya baka nagkakahalo halo nanaman ang utak nan!" narinig ko ang mga tauhan ni Sany. 

hinuli ng mga iyon si tita pero naka ngiti pa din siya. "don't forget everything that i told you hija! control your emotions or else you will meet your downfall!" sigaw niya bago pa man tuluyang makalayo sa kwartong kinaroroonan ko. what the hell is happening right now?

biglang pumasok sa loob ng kwarto si Sany. "it's time" sabi niya at tinulungan niya akong makatayo at inalalayan niya ako patungo sa lugar kung saan ako ikakasal.

third person POV

"kailangan natin ng plano joachim" pilit na sinasabi ito ng mga kabarkada ng binata pero ang tanging nasa isipan lamang ng binata ay mailigtas ang kanyang kasintahan mula sa kamay ng masasama.

"okay, you want us to plan? so here's the plan. I go there and save roshan while you go protect our people." sagot ni joachim kay daren na nagsuggest nito. naiinis man, pinlit na lamang n Daren na intindihin si Joachim.

dahan dahan silang nakilos patungo sa venue ng kasalan. dahan dahan dahil balak nilang itakas si Roshan bago pa man ito makarating sa mismong pagkakasalan nila. madaming gwardya at element holders ang nakabantay sa lugar na iyon kaya naman todo ingat silang lahat dahil baka mahuli sila ng mga ito. as much as possible ay ayaw nila ng gyera kaya naman dahan dahan nilang tinatahak ang daan.

biglang nakarinig ng lagitik sa bandang likuran. masyado itong malakas para hindi mapansin ng mga nagbabantay kaya agad na napalingon ang mga gwardya sa gawi nito, maging sina Joachim ay napatingin din sa pinanggalingan ng ingay at nakakunot pa ang noo nito na animo'y galit na galit sa kapalpakang nagawa ng kasapi.

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon