Joachim's POV
what the heck? it took me for about two to three days to convince them to tell me where Roshan is? ugh! kung sinabi lang sana nila ng mas maaga then sana napuntahan ko na siya. pero yep, may point sila. Roshan should have told us kung saan siya pupunta kung gusto niya ang presence namin.
her sister, Pearl told us na umuwi nga siya ng bahay nila para mag bakasyon. namiss na daw kasi niya ang magulang nila so she decided to have vacation with them. she needs some time alone and some space. yun ang sabi ni Pearl sa amin.
actually i debated with the other legendaries pati na sa mga barkada namin. i insisted to go to where Roshan is pero pinigilan nila ako. leave her some time alone daw kaya ayon, hindi din ako naka alis.
"come on guys, don't you think kailangan ni Roshan ng body guard don?" i consistently asked them. yup, consistent talaga.
"ang kulit mo! she needs space nga eh!" sagot ni Blair. haist.
"palibhasa kasi nandiyan ang ga mahal niyo sa buhay, tss. ako lang ang soloista dito" bulong ko. totoo naman.
kung titingnan mo pwesto nila ngyaon, si Darren at si Amber, sweet na sweet sa sofa na nakaupo. si Alex nakaakbay kay Blair habang si Blair naman ay nakatingin sa phone niya. si Arthur ang sama ng tingin kay Alex pero siyempre, nagpapacute si Ana kay Arthur making them a bit cute couple if it is in a girl's POV then si Micla naman at si Yoichi ay bagamat nagbabangayan sa harap ng computer ay mukhang sweet naman sila, bittersweet kung baga.
samantalang ako, eto walang kasama at walang kinukulit. kelan ba kasi babalik si Roshan? miss ko na siya! eh kung tawagan ko na lang kaya? tama!
dinial ko ang phone number niya hoping na maririnig ko ang boses niyang muli. pero what the fuck? boses ng lalaki ang sumagot.
[Hello?] lalaki ang sumagot
"Sino to?" agad kong tanong
[adik ka ba? ikaw unang tumawag tapos ako tatanungin mo kung sino ako?] sagot niya sabay baba ng telepono. what the heck? sino yon?
Roshan's POV
ugh! hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maging fake girlfriend niya! kainis! nahipnotized ba ako? what the? ano yon may element din siya? aish! baka naawa lang ako sa kanya kaya ganon.
papasok na ako sa bahay namin, yup, kakauwi ko lang ngayon. napasarap ata sa kwentuhan. pero pagtapak na pagtapak ko sa bahay namin ay agad na umalingawngaw ang sigaw ni Rouie.
"ATEEEE!!! KUNG IKAW NA YAN GUSTO KO LANG IPAALAM SAYO NA MAY ADIK NA TUMAWAG SA CELLPHONE MO!"
adik? sinong adik?
pagpasok ko ng bahay ay agad akong dumeretso sa living room kung saan nakita ko si Rouie na nanonood nanaman ng hitman reborn samantalang si Robbie ay nasa harapan ng computer na mukhang seryosong seryoso sa ginagawa niya.
umupo ako sa tabi ni Rouie at kumuha ng chips a kinakain niya na nakalapag sa center table.
"adik? bakit mo naman nasabing adik?" agad na tanong ko sa kanya
"aba, siya ang unang tumawag tapos dadalihan niya ako nang kung sino daw ako. naka shabu ata yon" sagot niya habang nilalamon yung chips.
"ah, adik nga" pag sangayon ko sa kanya.
"eh nasaan yung phone ko?" agad na tanong ko. nakalimutan ko palang dalhin kanina. makakalimutin na nga talaga ako.
"nilagay ko sa kwarto mo, istorbo kasi eh" sagot niya sabay lamon ulit ng chips. hay nako
"dapat gayahin mo si Robbie oh, ka sipag mag aral samantalang ikaw, heto kain kain lang ng chips at nood nood lang ng tv" sabi ko sabay batok ng mahina sa ulo ni Rouie
"asus, lapitan mo nga si Robbie kung anong ginagawa" hamon niya ng pabulong sa akin. nagtataka man ay lumapit ako kay Robbie na nasa harapan ng computer.
"grabe Robbie! akala ko naman nag aaral ka yun pala naglalaro ka lang diyan! nako! mag aral nga muna kayo!" sabay bigay sa kanya ng mahinang batok pero sinuklian lang ako ni Robbie ng tss. aba't maangas ang mga bata dito ah!
pumasok na lang ako sa kwarto at agad na hinanap ang phone ko na natagpuan ko sa study table. binuksan ko ito at nakitang number lang ang tumawag sa akin kaya inignore ko na lang. itetext ko sana si ate Emryde nang...
WHAT THE! nadelete yung contacts ko!? anyare?
dali dali akong lumabas at nagtungo sa sala. "BAKIT NADELETE CONTACTS KO!?" dismayado kong tanong sa kanila.
saglit na nagkatinginan ang kambal at agad na nagiwasan ng tingin. aba!
"ano walang magsasalita?"
"ano kasi ate..." napatngin ako kay Rouie na nagsalita. i know that Robbie won't speak, sobrang tahimik nan eh. ewan ko ba kung pipe lang ba o talagang mahiyain o baka naman pa cool lang. hay ewan!
"ano?" mariin kong tanong sa kanila.
"we were just checking your phone kung may boyfriend ka na ba or something when we accidentally hit the delete contacts button" seryoso pero straight forward na sagot ni Robbie. yep, si Robbie ang sumagot.
napapalo na lang ang kamay ko sa mukha ko. what he hell are they thinking? ako may boyfriend? fake boyfriend meron, yung true boyfriend malapit na, charot!
"next time don't touch my things without my permission. you should have just asked me hindi yung may pa detective detective style pa kayong nalalaman. and i hate people who touches my things without my permission. and for you to know, i don't have a boyfriend okay?" i said and as i pat their heads ay tumango tango sila
"sorry ate"
"don't do it again kiddo, kung hindi ipapatapon ko kayo sa planetang Namec okay?" sabi ko at tumango na lang sila. behave naman pala eh.
nang mag madaling araw, lumabas ako para mag jogging, yan ang paalam ko pero ang totoo, nagpunta ako sa may dalampasigan. inutusan ko ang tubig na iparating kay ate Emryde ang mensahe ko. i lost her number kaya i used my element even if it's against it.
nang di tumagal ay nakabalik na sa akin ang mensaheng ipinaabot daw ni ate Emryde. pupuntahan daw niya ako mamayang hapon o gabi para daw i check kung lumalala ba o bumubuti ang lagay ng utak ko. grabe feeling ko tuloy baliw na ako haha.
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable