Special Chapter # 3: Arthur and Myreana

842 28 1
                                    


"Arthuuuur! manganganak na ata akooo! ang sakit na ng tiyan ko!" sigaw ni Ana.

it's been a year and a half halos mula nung humiwalay sila sa grupo. at ngayon ay manganganak na si Ana, dala dala ang kanilang panganay. they were not always happy, lalo na't nadadala madalas ng kaartehan ni Ana ang mga pangyayari.

"grabe naman Ana! tae lang yan! jusko naman sabi ng doktor sa isang linggo ka pa manganganak ah!"

"aaaa! Arthur dali dalhin mo na ako sa hospital!" namimilipit na sa sakit ng tiyan si Ana.

"teka nga lang! najebs pa ako eh! may isa pa naman tayong CR ah!"

"puta Arthuuur! basa na yung panty ko dalhin mo na ako sa ospitaaaaal!"

pigil na pigil si Ana dahil gusto niya sa ospital siyang manganganak. pero ayun si Arthur, kalalabas lang ng banyo.

"grabe ka naman! may CR naman tayo bakit diyan ka pa sa upuan umihi?" nagayos na ng sinturon si Arthur at nilapitan si Ana

"puta ka Arthur! sumabog na panubigan ko dalhin mo na ako sa ospitaaaal! lalabas na!!!" kalmadong kalmado pa din si Arthur at nagawa pang buksan ang pintuan sa banyo at sinabing

"o ayan na, naglalambing ka pa eh. ayan na, pinagbuksan na ng pintuan ang mahal na prinsesa"

inis na inis si Ana kaya wala siyang nagawa kundi ang tawagan ang nanay niya at nagpahatid na mismo siya sa parents niya. hindi alam ni Ana kung anong gagawin sa "slow motion" na utak ng fiance niya.

nagtataka ba kayo kung bakit 'fiance' at hindi asawa?

ganito kasi yon. makaraan lang ang ilang buwan ay nagtagpo muli si Ana at Arthur. yun nga lang, parehas silang lasing na lasing noon sa isang bar. nagkaroon sila ng one night stand.

hindi na sana hahanapin pa ni Ana ang nakakuha ng virginity niya kaso nga lang nagbunga naman ito. wala siyang nagawa kundi kunin ang cctv footage noon sa bar. swerte si Ana at malinaw ang mga kuha ng bawat cctv camera sa bar na pinuntahan niya at laking gulat niya kung sino ang nakita niya. yeah, si Arthur na nga.

she contacted him at ayon, nang malaman ng parents ng dalawa ay agad silang nag setup ng engagement party. and now, they are living in one roof, labeled as fiance silang dalawa. hindi nga naniwala nung una si Arthur pero inako na din niya ang respunsibilidad. so, back to present.

nang nasa sasakyan na ay nakatikim si Arthur ng malulutong na mura mula sa ama ni Ana at maging noong natanggap ng sarili niyang mga magulang ang balita, pinaulanan din siya ng malulutong na salita sa phone call.

"malay ko po bang napaaga ang labas ni baby? ang sabi po ng doctor next week pa eh" dipensa ni Arthur.

nakarating sa mismong ospital ang sasakyan at ligtas na nakapanganak si Ana.

"sir, pwede po ba naming malaman kung ano ang gusto niyong ipangalan sa baby niyo?" may nurse na nagtanong kay Arthur habang nasa tabi siya ni Ana. hawak ni Ana ang kanilang baby habang nakikinig sa binibilin ng doktor.

"I want to name her Alexa. girl version ng kuya ko" nakangiting sambit ni Ana while starring at her child, their child nang matapos nang icheck up ng doktor ang baby

"miss akina na ang papel, ako na ang magsusulat baka kasi mamali ka pa ng spelling."

nagkunot man ang noo ng nurse, ibinigay din naman nito ang papel at ballpen kay Arthur.

naghanap ng mapapatungan si Arthur para makapagsulat ng maayos.

hind ako papayag na siya ang magpangalan kay baby. ako ang aa, ako ang magpaangalan kay baby sabi ni Arthur sa isip na para bang batang hindi nagpapatalo sa agawan ng kendi

Consuelo Delano

nang ibigay na niya sa nurse ang papel at ballpen, agad na lumabas na ang nurse para ipasa na sa requirements na ipapasa sa NSO at maiprocess na ang birth certificate ng bata.

"what a lovely Princess" bati ni Ana sa baby

"what a lovely Consuelo" nakangiti pang sambit ni Arthur at nakihaplos din sa bata.

"Consuelo?" nagtatakang tanong ni Myreana.

"Consuelo. ang gandang pangalan diba? isinunod ko ang pangalan niya sa lola ko sa talampakan" nakangiting sambit pa ni Arthur.

tila ba namula sa galit si Ana nang marinig ang winika ng fiance niya. hindi niya napigilan at sumigaw na nga siya.

"ARTHUUUUUR!"

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon