naglakad na pabalik si Roshan matapos ang proposal ni Joachim sa kanya. papunta kasi siya sa opisina niya. nang makarating siya ay nadatnan niya ang opisinang tahimik, as usual. agad na nakaramdam ng lungkot si Roshan. random things came inside her head. yung mga naiimagine niya dating isang masayang pamilya kasama si Joachim, nawala nang dahil sa rule, pero ngayon, may nabuong pag asa dahil sa mga pangakong binitawan ni Joachim sa kanya.
the rule
napabuntong hininga siya. napaisip siya kung sino ba talaga ang may pakana ng rule na iyon. what could she do? ano nga ba ang dapat na gawin? she don't want to lose her people as well as she can't either lose her love. what can be the best move?
she decided to try. gaya nga ng sinabi ni Joachim, there's always a first in everything. anong malay nila at payagan sila suddenly ng sacred council, ng sacred church? walang mawawala kung susubukan niyang makiusap.
lumabas siya agad ng opisina at nagtungo sa lugar kung saan matatagpuan ang sacred church. nagbabakasakaling kaya niyang pilitin ang council na iset aside una ang rule kahit ngayon lang.
nang makarating si Roshan sa sacred church ay agad itong pumunta sa gitna ng bilog. sa gitna ng bilog ay maaari mong makausap ang sacred council na siyang magpapasiya ng dapat mangyari.
"anong bagay ang nagdala sa iyo dito?" biglang may boses na lumabas. hindi alam ni Roshan kung saan ito nanggagaling sapagkat hindi niya alam kung saan ito narororoon, ang nagsasalita. gayun pa man ay huminga siya ng malalim at agad na nag salita.
"hindi niyo po ba kaming maaaring pagbigyan?" tanong ni Roshan
"alam mo ang kasagutan sa tanong na iyan" sagot ng boses.
"pero please po, we love each other. " pag dipensa ni Roshan sa sinasabi nilang sacred council.
"hinayaan ka naming mamuno sa kaharian. hinayaan ka naming ayusin ang mundo na kung saan dinamay mo pa ang mga inosente. hinayaan ka naming gawin ang lahat ng iyon nang hindi hinihingi ang payo namin. ngayon, hindi ka namin hahayaang baliin ang nakagawian."
"kung yan ang pasya niyo. kung kami talaga, walang makapipigil dito. hindi kayo ang magtatakda ng kapalaran namin" mahina pero mariin na giit ni Roshan at lumabas na sa sinasabing lugar ng pinag usapan. dismayado, oo. pero determinado siyang ipaglaban ang pag ibig nilang dalawa ni Joachim. may paraan, yan ang nasa isipan niya.
papalabas na siya nang may maramdaman siyang pamilyar na sensasyon. nakaramdam siya muli ng kirot. "eto ka nanaman lubayan mo na ako!" sigaw ni Roshan sa isipan niya habang hawak hawak nanaman ang ulo niyang muli ay parang binabaak sa sakit.
napaluhod nanaman siya sa sakit and this time, wala nang tutulong sa kanya. iyon ang akala niya dahil lahat ng barkada ay either nasa Enchanted academy o kaya naman ay sa diablerie. ngunit bago pa man siya mawalan ng malay ay may nakita siyang anino ng isang tao, isang babae.
Heira's POV
shit. it's a big shit. sorry kung nag mura ako but the f*ck. hindi ko na makita ang kinabukasan ni Roshan. what does this mean? sa element ko, may dalawang reasons lang kung hindi ko makita ang future nila.
first, there's a big power controlling one's future. may nag boblock ng utak ng taong gusto kong malaman ang future. there's something against me and my powers. possible to pero sino naman ang gagawa non?
second, and the worse case, the person might be dead. maaaring patay na ang taong sinusubukan kong basahan ng hinaharap. if a person's dead, i couldn't read his or her future anymore simply because wala na akong future na babasahin.
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable