chapter 29: Felt So Right

1.3K 49 3
                                    


Roshan's POV

i immediately stopped for a minute. why? nakita ko lang naman si Joachim. he shouldn't see me. hindi niya dapat malaman na pupunta ako sa sacred church. i should do this on my own. masyadong marami na siyang nagawa para sa akin while i, on the other hand, have done little to less for our relationship.


what did i do? umikot ako and i went to the opposite direction. iniwasan ko siyang makasalubong o makabanggaan man lang. pero too late. i heard his running footsteps. syempre dahil nga sa ayaw ko muna ng interactions with him right now, mas binilisan ko pa ang lakad ko.


but once again, mission failed. he wrapped his arms around my neck. sinakal niya ako in a joke manner. alam niyo yon? yung parang sinasakal ka ng pabiro? ganon.


"i smell something fishy" wika niya habang nakagapos pa rin ang braso niya sa leeg ko pero this time, maluwag na ito compared kanina.


"hoy Unggoy, hindi porke't water element holder ako eh malansa na amoy ko no! mabango ako! hindi fishy!" pagtatanggol ko. aba! sabihan ka ba namang malansa kahit hindi directly eh!


"hahaha! what i mean is that is there something wrong? pansin ko lang parang iniiwasan mo ako" sabi niya habang sumusunod pa din sa akin. actually hindi ko din talaga alam kung saan ako pupunta eh lol


"pano kung iniiwasan nga kita? anong gagawin mo?" wala lang talaga akong matanong kaya yan ang tinanong ko haha out of nowhere yan wag kayo


"kung iniiwasan mo ako, hahabulin parin kita. susundan kita kahit saan ka man magpunta. lagi kong ibubuhos lahat ng efforts ko para sayo lagi kong ipapaalala sayo na may nagmamahal sa iyo. lagi kong ipaparamdam sayo na nandito lang ako, ano mang mangyare" sincere na pagkakasabi niya.


things are showing up on my mind. scenes na pano kung hindi talaga kami ang para sa isa't isa, pano kung bawal talaga? pano kung sa huli pareho lang kaming masaktan? pero lahat ng iyon ay nawawala sa tuwing nakikita ko siya. happy memories. yun lang yung naiisip ko whenever i'm with him. sa tuwing kausap at kasama ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko. 


malakas ba tama ko? sobra. the feeling is mutual naman diba? kaya ayokong mangyari sa aming dalawa ni Chim chim ang nangyari sa dalawang element holder noon. ayokong sa huli, lahat ng memories na binuo namin, lahat ng efforts na ibinuhos namin, lahat ng pagmamahal na binigay namin sa isa't isa ay bigla na lang mawala. that's a big no.


kaso kasi diba hindi mo rin naman mapipigilan ang tadhana? sabi nila nakasulat na ang lahat ng mangyayari sa buhay natin. kahit anong pilit na efforts na ibigay natin, iisa lang ang kababagsakan natin. at yun ay ang itinadhana nang mangyari sa buhay natin. sad layp ba? yun ang sabi nila eh


"spacing out?" nabalik ang utak ko sa realidad na nasa harapan ko. yep, i'm spacing out. my mind is travelling through the future. ngayon ko lang narealize na bumitaw na sa pagkakasakal si chim chim sa leeg ko.


"alam ko na. matagal na din tayong walang bonding" sabi niya tapos ay he grabbed my wrist at hinila niya ang kamay ko. tumakbo siya kaya naman napatakbo na rin ako. where is he going? grabe, nagpapakaladkad ako sa kanya.

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon