Roshan's POV
i did it, nakaabot ako sa pinagusapang oras. i saw her standing there, infront of the wide sea. nandoon siya, patiently waiting for me.
"i came" i said in a low tone voice. hindi siya lumingon sa akin pero alam kong ramdam niya ang prisensya ko. alam kong alam na niya na darating ako.
"good" she replied.
ilang sandali pa ay may dumating na mga tao para kahunin kami, para sunduin kami at dalhin kami sa isla na tinitigilan ng kampo ni Sany. isang yacht. tingin ko pagmamayari ito nila Sany.
dinala niya ako sa isang isla. dito nakatayo ang academy nila, ang neutral academy. hindi ba at nabanggit ko dati na may tatlong magical academy? isa ang Enchanted Academy, isa ang Diablerie, at ito, ito ang pangatlong aademy.
"go to your room and rest, save your energy for tonight. your wedding will be tonight, at exactly 11:30 pm so that the exchange of vows will be done when midnight strikes. the pact between our clan and the selected humans will be eternal."
i took a deep sigh. how can i even surpass this obstacle? ayokong gawin ito. but it looks like i don't have any escape. sobrang daming nakabantay sa amin. sobrang daming nakabantay sa bawat sulok ng isla. dinaig ko pa ang presidente sa dami ng bodyguards.
" i don't want to sleep. i'd better die than to do this shit" sabi ko. maninindigan ako. hindi porket sumama ako eh payag na akong magpakasal. hindi porket sumama ako eh ibig sabihin ayos na sa akin ang lahat. sumama ako for the sake of our agreement.
"i figured out that you will be like that. so i prepared something for you" and that's when i see her creepy smile curved on her face.
third person's POV
"simulan niyo na" wika ni Sany at agad na lumapit ang apat na lalaking maskulado sa dalagang si Roshan. agad niya naman itong pinagtaka at nag tangka ang dalaga na magpalabas ng nakamamatay na tubig na hugis kutsilyo ngunit hindi niya ito nagawa.
"Roshan roshan roshan. my dearest Roshan, nag set kami ng device na kung saan hindi mo magagamit ang iyong element laban sa amin. i'm so sorry but you have nothing to do against us. kaya kung ako sa iyo, sasama na lang ako ng mapayapa" natatawa pang sabi ni Sany sa dalaga.
"edi ikaw na lang ang sumama sa kanila" pambabara ni Roshan na ikinainis naman ni Sany. "sge na! dalhin niyo na siya!" sigaw ni Sany sa apat na maskuladong lalaki.
nagwala ang dalaga habang hawak hawak siya ng apat na lalaki. dahil sa malakas ang dalaga at naaalis niya ang mga kamay na nakahawak sa kaya ay pinatulog siya ng mga lalaki at isinakay sa wheelchair.
dinala si roshan sa isang mini operating room. ipinasok nila ang dalaga sa isang makina na humihigop ng lakas at enerhiya. balak nilang kunin ang element ni Roshan through this newly invented designed machine.
"ma'am, sigurado po ba kayong ayos lang po ito? hindi po kasama ang pagkuha sa kapangyarihan ng babaeng ito sa kasunduan natin sa mga piling tao." wika ng isa sa apat na maskuladong lalaki.
"naduduwag ka ba? wala silang magagawa. tayo ang makapangyarihan dito at hindi sila. tayo ang masusunod at hindi sila" matigas na sambit ni Sany sa lalaki at ipinagatuloy ang proseso sa walang malay na si Roshan.
"anong ginagawa niyo?" nagulat sila sa biglaan pagsasalita ng isang pamilyar na boses.
"sir Clarence" takot na sambit nila.
"anong nangyayari dito!?" tumaas na ang boses ni Clarence sa pagtatanong na ikinapitlag ng mga nasaloob ng kwarto.
napadako ang tingin ni Rence sa makina na humihigop sa kapangyarihan ng walang malay na si Roshan. nanlaki ang mga mata nito at agad na tumakbo sa harap ng makina at pinatigil ito.
"ANONG GINAGAWA NINYO!? WALA SA USAPAN NA GAMITIN NINYO KAY ROSHAN ANG MAKINANG ITO! ANG USAPAN KAPAG NAMUMUNO NA TAYO AY ITO ANG MAGIING KAPARUSAHAN SA LALABAG SA ITATAKDA NATING BATAS!" nanggagalaiting sambit ni Rence habang inilalabas si Roshan sa makina.
"shh, okay na. ligtas ka na Roshan" bulong ni Rence sa dalaga at dinala ito sa kwartong nakalaan sa dalaga.
***
nagising ang dalaga at naabutan si Rence na natutulog sa sofa na nasa loob din ng kwarto. binatayan ni Clarence magdamag ang dalaga habang siya ay nakaupo ngunit dinalaw din siya ng antok kaya mahmbing na siyang natutulog ngayon.
biglang nakarinig ng malakas na katok ang dalaga at dahil dito ay nagising din ang binata sa ingay na nilikha ng nambubulabog.
kusang bumukas ang pintuan kahit hindi nila pahintulutan ang kumatok na pumasok.
"kailangan na po ninyong ayusan ma'am Roshan, malapit na po ang takdang oras." wika ng babaeng pumasok sa kwarto.
"don't ever dare to hurt her or else ikaw ang unang magiging sample ng element nullification process." pagbabanta ni clarence sa kapapasok na babae.
inayusan si Roshan, pinaganda, minakeup-an, at inayusan ng buhok. pinasuot sa kanya ang wedding dress niya na bumagay sa mapuputi niyang balat at makinis na mukha. para siyang isang diwata, isang goddess sa suot niya ngayon at porma. hindi maipagkakailang isa siyang dyosa.
tiningnan ni Roshan ang repleksyon niya sa salamin. miski siya ay nagandahan din sa kanyang sarili. ngunit nang magtagal tagal ay naluha siya. naluha siya nang mapagtanto niyang ikakasal siya sa kaibigan niyang hindi naman niya mahal. naiyak siya nang mapagtantong hindi siya kay Joachim ikakasal. may kumirot sa puso niya.
"kung hindi man ako ikakasal kay Joachim, mas mabuti pang mamatay na lang ako. at dahil ayaw niyo akong pakawalan, sabay sabay tayong magpunta sa impyerno" mahina ngunit madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig ng dalaga. bakas dito ang galit at ang sama ng loob. buo na ang disisyon niya. isasama niya ang lahat sa huling araw niya.
joachim's POV
oh shit. hindi ko naabutan si Roshan sa dalampasigan. fck. paano ko malalaman kung nasaan na siya? kung saan siya dinala? ugh!
agad kong kinontak si Egress. siya na lamang ang natitira kong pag asa. sinagot niya ang tawag ko at papunta na daw siya sa kinatatayuan ko. ngunit nagulat ako nang dumating siya, sila.
"anong ginagawa niyo dito?" nagtataka kong tanong. pano ba naman kasi, hindi nagiisa si Egress. dala niya ang buong barkada maging ang lahat ng estudyante ng enchanted at diablerie kingdom. lahat sila nandito ngayon sa harapan ko.
"pupwede ba namang ikaw lang mag isa ang sasagip sa prinsesa?" nakangiting sambit ni Nicolo. and that's the time i realized they're here to help. we are here as a team.
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable