a/n: this is still under the Flashback. May note naman na end of flashback kung end na talaga siya. Wag mailto okay?
Chapter 12: Side Effect
"you ready? Kaya mo ba talaga?" alalang tanong nila kuya Daren sa akin. Nag thumbs up na lang ako
"kaya ko to! Ano ba kuya, legendary three element holder ata to!" pagmamalaki ko sa kanya but then, the truth is kinakabahan ako.
"Lie" narinig kong sabi ni Nicolo. I just gave him a curious look
"that's a lie. Kinakabahan ka and I know it since I know your thoughts using my element" ani pa niya. Napabuntong hininga na lang ako. Unfair, alam niya ang nasa isip ko kahit na hindi niya ako hawakan o dampian man lang ng kamay niya samantalang siya kailangan ko pang hawakan sa braso o kamay.
"fine. Kinakabahan ako. Happy?"
"to make you feel better, why don't we ask Heira?" he suggested sabay tingin sa girlfriend niyang inaakbayan niya.
"what do you think?" I asked her
"you'll survive" nakangiti niyang sagot
"are you sure? No mixed joke?" umiling na lang siya hang may ngiti sa mukha. Haist. I have to do this. For the sake of my people. Chos, my people talaga? Ugh, great power comes with great responsibility right?
"let's go" Chim chim said with an ensuring smile that everything will be alright.
Nagpunta na kami sa human world, sa mundo nila mommy. Today, all the magic related things will be erased. We will be invisible to their eyes. Now, a great secret will be born.
Th moment we stepped in their wold, I felt the warm breeze. Gabi naming piniling gawin ito habang lahat ng tao ay tulog. Para nang sa ganon ay pag gising nila parang ang lahat ng tungkol sa mga uri namin ay isang panaginip na lamang sa kanila.
I took a deep breath while Blair is beside us. So bali si Blair, ako, then si Joachim. Si Blair kasi ang nakatoka sa paghahawak ng dalawang magic balls. Siya ang nagpapalutang nito gamit ang air. "kaya mo yan" nakangiting sambit ni Blair sa akin that's why I smiled back at her. If they have faith in me, I should have faith in me too.
"ready? Let's start this" sabi ni Joachim.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at nagpakawala ng isang malakas na enerhiyang humigop ng mga ala ala tungkol sa dalawang academy. A bright light came up, and that's what I saw for the last time.
End of flashback...
"so far the results are good right?" Joachim said
Good nga ba? Hindi ko na alam. As what Heira had predicted, nagging medyo in order nga ang lahat. Equality is all there is sa mundo ng tao. Sadly, si nanay ay nasa mundo na ng mga tao. Though hindi niya pinakuha ang memory niya, she's now living with my brothers.
My brothers, Robbie and Rouie. Kahit hindi ko sila kadugo, sobrang mahal ko yong dalawang iyon. Napaka kulit kaya non! Namimiss ko na sila. Ang alam nila nasa ibang bansa ako hay, kelan ko kaya sila makakasama ulit?
"nandiyan ka lang pala Roshan, tama na ang sweetness, madami nang langgam diyan. Nga pala hinahanap ka sa panel board. Kailangan ng pag aapruba mo" sabi ni Amber na nasa may entrance ng garden na kinaroroonan namin.
Napakamot na lang sa ulo si Joachim. Haha cute, nabitin siguro sa oras naming magbonding.
"akala ko ba nandyan si Pearl para humalili muna sa pusisyon ni Roshan?" nagtatakang sambit ni Chimchim at bakas sa boses nito na medyo badtrip na siya.
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable