chapter 11: witchcraft city

1.5K 63 2
                                    

a/n: just to be clear guys, scenes from this chapter is still part of the flashback. Wag malito okay?

Chapter 11: witchcraft city

"Roshan, gising. We're here"

I felt someone's hand tapping my face. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. At ang unang bumungad sa akin ay ang madilim na lugar na kung saan maraming creepy na bahay. Wooo! I feel the cold breeze.

"nilalamig ka? Take this" sabi ni Chim chim sabay hubad niya sa jacket niya at ipinatong ito sa balikat ko. His caring side is showing.

"thanks" I said. Naglakad na kami papunta sa mansion ng mga del Gada. Yun yung pamilya ni Divine.

Habang naglalakad kami sa isang creepy na street, nakita ko ang mata ng mga tao dito ay nakatingin sa amin. Para bang pinagmamasdan nila kami ni Chim chim ng maigi dahil mga dayuhan kami. Hindi ko alam kung pano kami nakapunta dito. Basta ang alam ko lang ay kasama ko si Chim chim pagpunta naming dalawa sa witchcraft city.

Nakatayo na kami ngayon sa isang malaking at madilim na malaking bahya. Nakakatakot itong pagmasdan kasabay ng mga kidlat na basta basta na lamang nadating. Mukhang uulan pero hindi pa naulan, mukha lang.

I used psychometry. Agad kong hinawakan ang pagkataas taas na gate ng napakalaking bahay at agad na kumuha ng impormasyon dito. Agad kong nakumpirma na ito nga ang bahay na tinitirahan ni Divine Del gado.

"this is the place" agad kong sabi kay Chim chim na ikinatango niya.

Nag doorbell kami. Maya maya pa ay lumabas na ang gwardya ata to na mukhang mangkukulam na albularyong lalaki. Basta kasing creepy niya ang lugar na ito.

"anong kailangan ninyo?" tanong ng lalaki.

"hello po, nandiyan po ba si miss Divine del Gado? Pwede po ba namin siyang makausap?" magalang na tanong ko.

"sino kayo? Anong kailangan ninyo kay miss Divine?"

Napatingin na lang ako kay Chim chim. Nakakatakot ang tono ng boses niya at mukhang kuhang kuha niya ang mga galaw ng mga mangkukulam. Nakakatakot at pinangingilabutan na ako.

"ako po si Roshan, anak po ako ng King Harold at Queen Wendy ng Enchanted at Diablery kingdom. Ako po ang legendary water element holder at siya naman po si Joachm, ang legendary invisibility holder po. Pinapunta po kami dito ng papa ko." Magalang ko pa rin sagot sa lalaki.

Pinagmasdan niya kami ng maigi, lalo na ako. Para bang kinikilatis ang mukha naming dalawa. Maya maya pa ay binuksan na niya ang gate ng bahay at pinapasok kami. Agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Parang may mali.

"hija! Grabe hindi mo naman sinabing anak ka pala ni pareng Haold at mareng Wendy! Jusmiyong bata ka! Saan ka baga itinago ni Wendy? Sayang naman at ako sana ang magiging ninong mo oras na maipanganak ang unang anak ng hari at reyna!" wika nung lalaki na ngayo'y nakangiti na ng abot tenga

Weird. Biglang nagiba ang pakikitungo nung lalaking ninong ko daw dapat sa binyag.bigla siyang nagging masayahin at mukhang active samantalang kanina creepy na mukhang albularyo at mangkukulam at the same time. Nginitian ko na lang din siya.

"Nga pala ako nga pala si Edmund, tawagin mo na lang akong ninong hija. At para sa iyo naman hijo, tawagn mo na lang akong ninong din dahil mukhang kayo din naman ang magkakatuluyan nitong inaanak ko dapat." nakangising sabi ni ninong Edmund.

"wag kang magugulat ah? Pero illusions lang kasi yang nakikita mo. Divine mad a spell para maging ganyan yan. Hehe, malakas ang toyo non eh"

napatawa na lang kami ni Chim chim. Grabe ang daldal niya kahit medyo may edad na siya haha. Dinala niya kami sa isang kwarto sa loob ng malaking bahay. Creepy din sa loob pero dahil sa kadaldalan ni ninong ay nagging komportable naman kami.

EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon