lumabas na si Rence para salubungin daw ang Joachim na pinsan niya. imposible namang si Joachim iyon na kilala ko."hey, ikaw yung kaibigan ni Cyril diba?" tumabi sa akin yung isang lalaki. may itsura siya at ang alam ko ay kilala ko siya pero nakalimutan ko lang yung pangalan niya.
"sino ka nga ulit?" tanong ko matapos akong kumagat ng isang slice ng triple chocolate cake.
"tss, sa gwapo kong ito nakalimutan mo na ang pangalan ko?" sabi niya. ah, tanda ko na kung sino to
"ah! tanda ko na" sabi ko sabay patango tango pa at nakita ko siyang nakangisi.
"ikaw nga pala si yabang" dagdag ko pa habang patango tango ulit. this time, nawala na ang ngiti sa mukha niya. tss.
"so, care to tell me were is Cyril?" ulit pa niya.
"ah si Cy? pinadala ko sa mars. ang kulit eh" sinabi ko lang iyon para mainis siya haha. bahagya kasing magkadikit ang braso namin kaya nagagawa kong basahin ang isip niya haha.
"tss, gandang kausap" sabi pa niya
"siyempre! maganda talaga ako. pero teka, nanay ko lang ang nagsasabi sa akin nan. thank you ah! ikaw ang pangatlo sa nagsabing maganda ako haha"
ayun, nainis ata si kuya kaya nilayasan ako haha. that's better, ayoko ng katabi ngayon haha. nabored ako kaya napagpasiyahan kong lumabas.
naglibot ako sa mansion nila Rence at napad pad ako sa garden nilang may pond at isda dito. natuwa ako kaya nilapitan ko.
third person's POV
"bro! musta?" bati ni Rence kay Joachim at nag bro fist silang dalawa.
walang kaalam alam si Clarence na ang pinsan niya at ang kasama niya ngayon ay ang tinutukoy palagi ni Roshan na dahilan kung bakit tanging 'friendship' lang ang mabibigay nito sa kanya.
si Joachim naman, bagamat nakipag bro fist siya kay Rence ay halata sa mukha nito ang pagka 'cold' sa kanyang pinsan. kung dati ay para bang close na close ang dalawa, ngayon ay parang si Rence na lang ang nag iisip nito dahil tila ba may galit sa loob ni Joachim matapos nyang makita ang ginawang paghalik ni Rence sa kanyang sinisinta.
"may problema ba Joachim?" tanong ni Rence sa pinsan niya.
"wala naman. pagod lang siguro ako sa biyahe. saan ba ako pwedeng mapgahinga muna?" tanong ni Joachim sa pinsan niya at sinamahan na lang ni Rence siya papunta sa taas, ang guest room.
nang makarating silang dalawa sa rest room ay agad na binuksan ni Joachim ang glass door para makapunta siya sa balcony ng kwarto. yep, ganyan kalaki ang bahay nila Rence.
"bro, baka gusto mong sumama sa baba sa hub. nandun ang basketball teammates ko. baka gusto mong maki join" aya ni Rence pero tila ba natulala si Joachim sa nakita niya sa baba.
nagtataka si Rence nang hindi sumagot si Joachim kaya sinundan niya ito at tinapik sa balikat pero wala itong epekto sa binata dahil patuloy pa rin siyang nakatitig sa ibaba.
"ganda niya no" sambit ni Rence kaya otomatikong napatingin si Joachim sa kanyang pinsan. bagamat alam na niya ang sagot, sa paniniwala niya, ay nag lakas loob pa din itong magtanong.
"girlfriend mo?" tanong ni Joachim
"girl friend with space" sagot ni Rence at sabay sumandal na lang sa harang ng balkonahe.
nagtaka naman si Joachim kung bakit sinabi ng pinsan niyang 'with the space'. nakita nito na hinalikan niya ang dalaga, nasaksihan niya ang pagpapakilala niya kay Roshan bilang girlfriend niya. pero lahat ng alam niya ay hindi niya pwedeng sabihin sapagkat baka magtaka lamang si Rence kung pano niya ito nalaman.
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable