"hon, anniversary ngayon ng paglisan natin sa academy" pagpapaalala ni Daren sa asawa niyang si Amber."mm, tanda ko. it's been years nung huli natin silang makita. kamusta na kaya sila?"
nakaharap sa computer si Daren habang tinatype ang mga dokumentong kailangan sa kanilang kumpanya. Daren is now a company owner. nagtatarbaho lang siya dati sa kumpanyang ito ngunit dahil walang asawa, anak o apo ang may ari at nakuha ni Daren ang tiwala ng may ari ay sa kanya ito ipinangalan. Daren and his spouse indeed had a lucky life.
"hon, nakapag search ka na ba ng pangalan para kay baby?" pagbubukas ng topic ni Amber.
agad namang napatigil si Daren sa ginagawa niya. agad nitong ibinaba ang reading glasses nito at tinitigan si Amber.
bago pa man makasagot sa tanong ni Amber ay agad nang pumasok sa knyang utak ang lahat ng mga karanasang tinamasa nila noong buhay pa ang academy. from the first day that they met hanggang sa sinagot siya nito at after the long wait nga, heto't nagpakasal na at magkakaroon na ng anak.
kay bilis na ng panahon. parang dati lang ay sinusungitan pa siya ni Amber. parang dati lang inisin mo ng isang beses si Amber at bubugahan ka na niya ng apoy. napatawa si Daren ng maalala ang training nila noon.
yung mga panahong nagmukha siyang prinito imbis na chinito. yung mga panahong kailangan ng team work para sa trail. yung mga panahong tinakbuhan nila ang isang restaurant dahil wala silang pangbayad. yung mga panahong lahat sila ay masaya at inakala nilang puro ganoon lang ang dadanasin nila.
"tinatawanan mo ba ako?" taas kilay na tanong ni Amber habang nakapamewang pa.
ngumiti na lang si Daren at tumayo sabay yakap kay Amber. lumambot naman ang ekspresyon ni Amber ng gawin ito ni Daren. every time Daren makes this, she can't help but to smile. indeed, this makes her heart flutter even if its been years.
"at ano nanamang naiisip mo? baka may kalokohan ka nang ginagawa dyan ah!"
"wala. naalala ko lang kasi yung mga panahong nasa academy pa tayo. thankful ako at tayo pa din ang nagkatuluyan" kumalas na sa yakap si Daren at hinalikan sa noo si Amber sabay halik din sa tiyan nito kung nasaan ang soon to be son nila. yeah, son. nagpa ultrasound sila nung isang lingo and it turned out to be a boy!
bumalik na si Daren sa upuan niya at pinagpatuloy na ang office works.
"hoy hon! hindi mo pa sinasagot tanong ko!" paguulit ni Amber na ngayo'y naka pout na.
ang cute talaga niya pag nagpopout. bakit kaya hindi niya pinapakita yon dati? swerte ko talaga sa akin niya lang ata pinapakita yon
pagsasaisip ni Daren"ano nga ulit yon?" tanong ni daren
"ano ngang ipapangalan natin kay baby" umupo na ngayon si Amber sa couch nila. tutal sa sala lang din naman naggagawa ng office works si Daren, umupo na ito sa couch.
"hmm, ano pa ba? edi Daren Erik B. Alcantara Jr. lalayo ka pa, junior nga gusto ko" natatawang sabi ni Daren.
"eew! at anong gagawin mong nick name hah? junior? no way!" pagmamaktol ni Amber na syang ikinatuwa ni Daren.
"ang cute mo talaga" bulong na lang ni Daren dahil ayaw ni Amber na sinasabihang cute siya. pang aso lang daw yon.
"nako, kung si Reilly ang napangasawa ko tiyak na papayag yong junior ang ipangalan ko" nangaasar na sambit ni Daren.
"ah ganon. edi dun ka na sa Reilly mo! bukas na bukas din ipapahanda ko na ang annulment papers natin!" galit na sambit ni Amber habang nagdadabog na papunta sana sa kwarto pero napigilan siya ni Daren nang iback hug niya ito.
"hmm, ito naman napaka selosa. ikaw naman pinili ko diba? maswerte nga ako sayo eh, eto na tayo't magkaka anak na. malay ko bang baka baog si Reilly" sinabayan pa nito ng cute na halakhak.
humarap na si Amber at nagpout ulit. "hinding hindi ko kukuning ninang ni baby yang Reilly na yan. bka mamaya agawin ka pa niya sa akin"
"opo. at isa pa, hindi niya ako maaagaw sayo. takot ko na lang sa parents mo" at nag hug ulit sila while Daren kissed Amber's hair.
"so, may gusto ka bang name para kay baby?" lumuhod si Daren para makapantay nito ang may umbok na na tiyan ni Amber na naglalaman ng magiging anak nila.
"hmm, favorite color ko ang Black so I want his name to be Black." nakangiting sambit ni Amber.
tila hindi nagustuhan ni Daren ang suggestion ni Amber kaya tumayo ito.
"but my favorite color is white. isa pa, pano kung maging negro ang anak natin at tumugma yang pangalan mong Black"
"edi ayos"
"ayoko. minsan mo na akong ginawang prinito! wag naman yung anak ko!"
"ang OA mo naman! anong tingin mo sa tiyan ko, kawali? anong tingin mo sa dugo ko? kumukulong mantika?"
parehas nang mainit ang ulo ng dalawa dahil lamang sa pagtatalo sa ipapangalan sa magiging baby nila.
"Black ang gusto kong pangalan! Black ang magiging pangalan niya!"
"ayoko nga sabi! White na lang para mestiso! baka mamaya may natira pa dyan sa element mo at snugin mo pa kulay ng anak ko!"
"wow! makapagsalita parang hindi ko anak ito ah!"
"uhmm... ma'am, bakit di niyo na lang po ipag combine?" at sumingit na nga sa usapan ang kasambahay nilang tinatawag na nanang Sita.
"manang! ang talino mo! okay fine, it's settled. the name would be Black White B. Alcantara." nakangiting pumapalakpak pa si Amber.
"what!? what kind of name is that! ayoko non!" reklamo pa ni Daren.
"and what is your suggestion?" nakapamewang na tanong ni Amber.
"Grey"
"Gray? as in Gray na kulay?"
"yes, Gray pero imbis na 'a' gawin nating 'e'. and besides, Black plus white will be color Gray."
"hmm, I like it. sige"
"Grey. Grey Alcantara"
BINABASA MO ANG
EA III: Twisted Faith
Fantasybook 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang EA 1 and 2, kindly read it first po. thank you po! ~CurrentlyUnavailable