chapter 8: the boys

1.3K 69 0
                                    

Roshan's POV

"atee!!! manliligaw mo kanina pa nandito!" 

pucha. nandito nanaman si Rence? grabe halos araw araw na siyang napunta dito ah? ilang beses ko ba sasabihin sa kanya na taken na nga ang puso ko? grabe haba ng hair ko ah? 

for the past few days kasi dumadalaw siya sa bahay. he even brought flowers at kulang na lang taniman ko ng damo ang kwarto ko para magmukhang garden sa dami ng bulaklak na nandito. kung ako si Micla ayos lang eh kaso water ang element ko for pete's sake.

bumaba pa ako kahit kakagising ko lang. yeah, 10 am na pero kakagisinng ko lang. literal yon ah, hilamos pa lang nagagawa ko pati ang mag tooth brush, ni hindi pa ak nakakapagsuklay at naka pajama pa ako. wala akong pake sa suot ko ngayon para ma turn off siya.

"nang makapunta ako ng sala, agad siyang tumayo para salubungin ako.

"anong trip to? aga mo ah" bati ko na lang sa kanya

"you're still beautiful with that messy morning style" he said at nginitian ako. i smiled at him too, a scarcastic smile.

" hindi ba may klase ka?" anong ko

"yep, mag ayos ka, mag sisit in ka sa klase namin mamaya"

ako naman napa what the f? 

On the second thought, makikita ko na siya if ever. Siya kasi ang isa sa mga mission ko sa real world. Siya ang kailangan kong kumbinsihin.

Naligo na ako, nag ayos at naghanda para pumunta sa eskwelahan nila Rence. Malakas si Rence sa school niya kaya nagagawa niya ng malaya ang mga gusto niyang gawin.

Nang makarating na kami sa SLCA ay agad kaming dumeretso sa classroom nila. "Welcome" he said. Ngumiti lang ako sa kanya. Bagamat ang atensyon n ibang estudyante ay nasa akin, hindi ko sila pinansin.

Nang pumasok ang kanilan prof ay agad ako nitong inintroduce.

"Okay class, kaiinform lang sa akin that we have a sit in student, miss please introduce yourself" sabi pa ng prof nila. what the heck? para namang magtatagal ako dito. sit in nga eh


tumayo na lang ako, para tuloy akong high school student. aish!


"hi! i'm Roshan Atkinson and i'm from England Academy. i'm here for a vacation sana kaso eto namang si Rence, nayaya ako dito. my course is BS in Marine Biology." as i said that ay aparang namangha ang mga tao.


"wow, sa england talaga siya?"

"matalino siguro"

"astig! transfer student?"

"boba! sit in nga eh!"



napabuntong hininga na lang ako. as if naman na sa england academy nga ako nag aaral ano? tsk tsk tsk.



sa tabi ako ni Rence pinaupo kaya yon, nagsimula na ang klase at kahit papaano naman ay nakinig na din ako. pero guess what, nakikita ko sa pheripheral vision ko na lagi lang sa akin nakatingin si Rence kaya naiilang na ako. buti na lang at natapos na ang klase kaya agad na akong tumayo.


"where do you want to go?" he said 


" have no idea" i answered.


"i know! ipapakilala na lang kita sa mga kabarkada ko!" excited na sambit niya at hinawakan niya ako sa kamay pero winakli ko ito. 


"i'll walk by myself, i'll just follow you. that will be fine" pagkasabi ko noon ay agad na nawala saglit ang ngiti niya pero ngumiti siya ulit, yun nga lang fake smile. halata naman eh.


naglakad na kami at dinala niya ako sa cafeteria. pumunta siya sa isang table at doon nakipag fist bomb siya sa mga lalaking nandoon.


"woah! bagong chix?" sabi nung isa


"hindi pre, seryoso to" sagot ni Rence


pinaupo nila ako sa upuan at sila naman ay nag asaran na para bang wala ako dito


"pre! san mo naman to nakuha? grabe ah! parang nung isang linggo lang kakagaling mo lang sa US ah!" -kabarkada 1


"oo nga pre! hindi ko yata to nakikita dati sa campus" -kabarkada 2


"woah! hinay hinay mga tol!" sabi ni Rence.


"umm... would you mind kung magpakilala muna kayo?" singit ko sa kanila


"oo nga naman! pre, maganda to ah! pag ayaw mo na akin na lang. by the way i'm Tyler" sabi niya 


"excuse me, hindi ako laruan no na pag nagsawa na ang isa, ibibigay naman sa isa. let me guess, spelling ng pangalan mo ay T-H-I-G-H-L-E-R" naiinis na sabi ko. imbis na mainis siya ay humagalpak siya ng tawa. okay, that was meant for a korny joke



"i like you" he said


"i hate you" i replied. yabang eh


"hi, i'm Charles" sabi niya at formal na nakipag shake hands. buti pa itong isang to, matino di gaya nung dalawa, ang yabang. speaking of Tyler and Rence.



"hi! i'm Roshan" pakilala ko


"chix na chix to pre! saan mo ba to nahagilap?" taong ni Tyler


"ah, nameet ko siya sa airport last week" sagot ni Rence. "nasaan na pala pagkain niyo?" tanong pa niya


"ah, dinadala ng talo sa bato bato picks" sagot naman ni Charles


"teka, airport? san ka galing?" agad na tanong ulit sa akin ni Charles


"ah, nag bakasyon kasi ako dito. galing ako sa England, nandun kasi yung school ko" 


"woah! matalino pre! hanep galing pumili!" sambit ni Tyler.


"oh! andito na pala ang talo eh" sambit ni Charles. 


napatingin ako sa direction na tiningnan niya. nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino siya. pero deep inside, natuwa ako. at least hindi na ako mahihirapan pa sa mission ko dahil nakita ko na siya. dito ko lang pala to mahahanap eh. i called her,


"Alchemy?"



a/n: okay short update! promise mahaba ang susunod na chapter! don't forget to vote and comment! ^_^





EA III: Twisted FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon