GANGSTER 52

112 5 0
                                    

(Naya's POV)





"What happened?" salubong ni ate Selene sa amin.


Ibinaba naman agad ako ni Apollo sa couch.


"Sobrang galing ko na kasing mag-volley ball Ate kaya hindi kinaya ng super powers ko ang lahat," agad kong sagot sa kanya.


Natawa lang sila sa sinabi ko and Ate started checking my sprained feet, pinaalis ko na rin muli sila Apollo at pinabalik ko na sila sa gym. After naman akong ma-check ni Ate ay inakay na rin agad nila ako paakyat sa kwarto ko.


"Do you want me to get you a wheelchair or saklay, just in case you need it?" tanong sa akin ni ate Selene pagkarating namin sa kwarto ko.


"Kahit saklay na lang ate, wheelchair is too much," I answered.


Natawa lang din naman siya sa sinabi ko.


"Kukuhain ko lang 'yong saklay ha?"


Tumango na lang ako sa kanya saka ako ngumiti.


"Kumain ka na ba?" mayamaya ay tanong naman sa akin ni ate Ezra.


Tinanguan ko lang din naman agad siya.


"Kukuha ako ng pagkain mo ha? Mag-meryenda ka muna."


Umalis agad siya kaya hindi na ko nakapag-reak, natawa na lang din ako dahil doon saka ako naupo sa may tapat ng glass wall at tumanaw sa labas. Kitang-kita dito ang walang humpay na kakahuyan.


"Ano? Bakit ka nanggugulo dito?"


Nilingon ko siya ng tumalon siya sa may inuupuan ko at nanatili lang doon. Napahawak din naman agad ako sa dibdib ko dahil sa kanya, its beating so fast again.


"My heart beats na akala mo hinabol ako ng sampung kambing, hindi ko alam kung dahil sa takot sa'yo o dahil sa na-miss kita. Hanggang ngayon naaalala ko pa 'yong mga panahon na kinagat mo ako, ang sakit kaya noon. Bakit mo ba kasi ako kinagat?"


Napatigil naman ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.


"Naya?" ate Selene called me.


Napatigil rin si ate Selene sa paglapit sa akin dahil sa nakita niya at nanlaki agad ang mga mata niya.


"What the hell? A-are you okay? Miho why are you here?" natatarantang sabi ni Ate sa akin.


Natataranta rin siya sa pagkuha sa rabbit na si Miho pero napatigil siya sa sinabi ko.


"Mabilis ang tibok ng puso ko pero okay ako Ate," I answered.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon