GANGSTER 77

74 4 0
                                    

(Naya's POV)




Day 15 - 11:11



Sa ngayon ay nananatili pa rin ang ibang kapwa namin gangsters sa gym at pinananatiling mahigpit ang seguridad ng dark village hanggang sa mga oras na ito. Kami naman nina Eos ang lumalabas at nagmamasid para sa mga impormasyon at kumukuha na rin kami ng mga pagkain sa cafeteria para sa kanila.


"Kamusta sa labas?" bungad sa amin ni Helios pagbalik namin sa gym.


Hindi sila pwedeng lumabas mula dito dahil mahahalata ng dean na nakatago sila dito, ngunit nakakapagtaka lang din naman na hindi nila nahahalatang wala ang mga kasama namin sa kani-kanilang dorm.


"Okay naman, akala mo nga walang nangyayari kababalaghan sa labas," sagot ko sa kanya saka kami naupo sa bleachers.


Ipinamahagi na rin naman agad ng iba naming mga kasama ang mga pagkain na dala namin. Ngunit sa totoo lang ay nakakabahala pa rin ang mga nakikita ko sa labas, kalmado naman ang paligid pero ang katotohanang napakaraming pagalang infected ay hindi maganda.


"Magandang hapon, nais ko lamang ipabatid na itutuloy pa rin ang laro kahit na anong mangyari. Inuulit ko itutuloy ang laro!" mayamaya ay sabi sa announcement.


Napatingin din agad ako sa mga kasama namin dito, na agad ding napatigil sa kani-kanilang ginagawa. Itutuloy? Bullshit! talagang pinapakita na nila ang tunay nilang ugali. Alam na kaya nila na wala ang mga estudyante sa mga dorms nila?


"Paano tayo niyan?" mayamaya ay tanong ng isa sa mga gangster na kasama namin dito.


Kanya-kanya na rin silang sentimyento pero wala namang magagawa ang mga reklamo nilang iyon.


"Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang antidote," Eos said kaya napatingin din ako sa kanya.


Tama siya 'yon ang habol nila kaya hindi pa nila kami inuubos, pero kapag nakuha na nila ang kaylangan nila siguradong papatayin na nila kami.


"At kung totoo nga ang antidote na 'yan, mamamatay muna siya bago niya makuha ang antidote, Eos," I also said at tiningnan lang din naman ako ni Eos dahil sa sinabi ko.


Hindi pwedeng mapasakamay nila ang antidote kahit na anong mangyari.


"Anong gagawin natin? Hindi tayo pwedeng sumugod basta-basta. Kapag nilaro natin ang 11:11 mauubos lalo tayo, pero kapag hindi tayo naglaro ay hindi rin niya palalampasin iyon," Helios also said.


Tama si Helios, kapag nagkataon mako-corner nila kami. Kaylangan naming malaman kung sino sa amin ang carrier ng antidote para alam namin ang gagawin. Kaylangan naming malaman ngayon mismo kung sino iyon para alam namin kung sinong poprotektahan namin.


"Magiisip tayo ng paraan, sa ngayon manatili muna kayo dito," I said to him.


Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon