GANGSTER 44

5.6K 126 0
                                    

(Naya's POV)





"Wala bang pinagsasabihan na mythical na rin kami?" I suddenly ask and they all look at me also dahil doon. "Walang nakakaalam na parte na kayo ng Hellem, maliban kila Bill kaso ubos na rin naman sila. Kaya nga ang paglipat ng mga kasamahan niyo dito sa dark village lahat sila kunwari sa dorm 13 lilipat pero paglipat nila saka sila ilalagay sa ibang dorm," sagot ni ate Selene sa akin.


Tamang-tama, magagawa ko pa ang gusto ko maganda ang naisip nila.


"Kaya nga dapat magpanggap lang tayo na gaya ng dati para walang makahalata," Fredrick said also.


Tumayo na ako matapos nilang sabihin iyon at dumeretso na ako sa pinto, kumuha rin ako doon ng itim na payong.


"Naya saan ka pupunta?" tanong agad sa akin ni ate Selene. "I'll be back," I just answered.


Lumakad na ako palabas at hindi naman na sila nakapagtanong pa, hindi na masiyadong malakas ang ulan hindi tulad kanina. Banayad na iyon at tila titila na ang ulan. Habang naglalakad ako ay napansin ko rin na walang katao-tao sa labas, malamang nasa dorm silang lahat kasi umulan o kaya pumasok ang iba.


Napabuntunghininga na lang din ako habang naglalakad, ang layo kasi ng lalakarin bago makarating sa gate. Dapat nilalagyan rin ng mini bus dito sa loob, ang layo kaya ng nilalakad namin, kaya lang kung magkakaroon ng service dito dapat provided 'yon ng mga nakatira dito kasi hindi naman na sila sagot ng mga namumuno sa DRU.


Narating ko na agad ang gate matapos ang mahabang lakaran, pinagbuksan lang naman ako ng gate ng guard tapos isinara ulit 'yon paglabas ko, Hay nako talaga. Buti na lang paglabas ko ay may mini bus na dito kaya sumakay na agad ako, sa magic circle lang din naman ako nagpapababa kapag nagiikot ako para nasa sentro lagi.


Hindi ko alam kung bakit nakagawian ko na ang maglibot at magmasid, dahil ba wala akong tiwala sa lahat? Hindi naman siguro, gusto ko lang sigurong makasiguro, sa labas kasi kapag wala akong tiwala sa isang bagay o tao tinitingnan ko 'yon at kapag nakita ko na 'yon ng personal saka lang ako napapalagay, siguro naman dito naninigurado lang ako.


Wala akong tiwala sa pamunuan o sa ibang mga gangsters dito pero iyong mga kasamahan namin siguro naman hindi ganoon ang tingin ko sa kanila. Bumaba na ako sa mismong magic circle ng makarating ako doon. At kung gusto mong makakita ng mga college students magtambay ka dito marami dito noon.


"Its been a long time since the last time I saw you." Nilingon ko agad 'yong nagsalita sa likuran ko. "Mukang ganoon na nga," I just answered.


He's the man with the gold badge kasama niya pa rin 'yong lalaking naghatid sa amin sa dorm.


"Anyway, I'm Cyan and this is Blue," pagpapakilala niya sa akin.


Himala sa tagal na naming nandito ngayon lang siya nagpakilala sa akin.


"Parehong kulay, ang kulay ng buhay niyo kasing kulay ng ulan ano?" sagot ko sa kanya.


Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon