GANGSTER 68

64 4 0
                                    

(Styx's POV)





12:23 gang adjusted dahil 100 lang ang members ng infernos angels gang, sila kasi ay 150 kaya para one on one 100 members lang ang kinuha nilang lalaban. Binawasan na sila ni Naya noong hunting game, pero nakapag-padami rin agad sila ng ganoon kabilis kaya bumalik ang bilang nila sa dati.


Lamang ang 12:23 sa lakas, bilis, dami at sa pagiging agresibo ng mga miyembro kaya malaki agad ang nagawa nilang pinsala sa isang grupo. Malakas rin ang kabila, madami rin naman sila, pero natatalo sila sa tapang, lalo na at hindi na takot ang 12:23 habang sila ay may doubts pa.


I look at Naya ng sundan ko ang mga tingin ni Helios, he is dangerously looking at her, alam ko 'yon dahil magkakalapit lang kami, akala ko nga sa amin nakatingin si Helios pero hindi pala.


"Kung hindi na kita kaylangan ay pinatay na kita Helios Knight," I heard Naya whispered. Marahil Naya still wants to know from him kung sinong gumawa ng venom drug na yon.






(Naya's POV)



Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. At napakarami pa ring tanong ang bumabagabag sa utak ko hanggang sa mga oras na 'to. Totoong pakiramdam ko mababaliw na ako, napakarami kong gustong gawin na hindi ko masimulan, napakarami kong tanong na gusto ko nang masagot.


Mamaya 11:11 na naman, I wanna try what I did again para makasiguro ako kahit alam ko naman na sa sarili ko na siguradong-sigurado na ako. I texted Dad na ipasuri 'yong mga sangkap na nakita sa formula na galing sa tao, I wanna know if it will really match the twins at hanggang ngayon ay wala pa siyang sagot.


"Lets eat? " yaya ni Eos sa akin kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakapasok na naman siya sa kwarto ko ng hindi ko namamalayan, para na siyang si Apollo. "Still full," tanging sagot ko sa kanya.


Umuulan na naman, mukang maulan na naman ang 11:11 namin ngayong gabi. Nakaupo ulit ako sa dating pwesto ko at kasama ko dito si Miho, napalingon ako sa naupo sa tabi ko.


"Anong iniisip mo?" tanong ni Eos sa akin pero bumalik lang ako sa pagtanaw sa labas. "Marami, sa sobrang dami hindi ako makatulog."


Natawa siya sa akin kaya napalingon ulit ako sa kanya.


"Let me be your planner for now." he said and he's smiling at me. Hinawi niya rin ang buhok ko habang nakatitig siya sa mga mata ko. "Kung nitong mga nakaraan ikaw ang planner namin ngayon ako muna ang planner mo, para kahit marami mang tumatakbo sa utak mo, Alam mo pa rin kung anong tamang gawin."


I just sigh and he pat my head at ginulo pa ang buhok ko.


"Trust me that one, I won't let you down, mas okay na 'yon kaysa naman mapahamak ka," he said which made me look at him again.


Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon