(Naya's POV)
Day 13 - Gangs war (6:00 pm - 5:00 am)
Gang Participants: Death Schedulers Vs Undead Slayers Gang
Sa gym gaganapin ang war hindi katulad noong unang gang war na sa labas sila naglaban-laban, marahil kakaunti lang naman kami kaya pinili nilang dito na lang sa loob ito ganapin. Nakahanda na rin ang lahat ng mga manonood, habang kami at ang mga makakalaban namin ay nakahanda na rin.
"Malayo na ang narating natin, hindi tayo susuko dito, lalaban tayo kahit anong mangyari hanggang sa huli. Kaya natin 'to, lalaban tayo para sa mga kasamahan nating namatay at nagbuwis ng buhay, ipaghihiganti natin sila," mayamaya ay sabi ni Fredrick sa mga kasamahan namin.
Lahat naman ng mga kasama namin ay nag-ingay matapos ang sinabi ni Fredrick. Pagkatapos noon ay nagtali ako ng itim na scarf sa ulo ko at sumunod din agad ako sa kanila sa paglalakad. Lumakad na rin agad kami papasok ng ring dahil tinawag na ang gang namin, at nangibabaw agad ang kulay namin because we're wearing all black.
At alam ko katulad ko ay gagawin din ng mga kasama ko ang lahat makarating lang sa dulo at makuha ang mga hinahangad namin. Sa kanang bahagi kami ng gym naroon at sa harapan namin naroroon na ang mga kalaban namin sa kaliwa, nakatingin lamang sila sa amin at hindi nila inaalis ang mga tingin nila katulad namin sa kanila.
"Simulan na ang laban!" mayamaya ay hiyaw ng host na 'yon at pagkatapos ay bigla na lang ding namula ang mga mata nila hudyat na sila ay infected.
"Don't look at their eyes!" hiyaw ko na sinunod agad ng mga kasama ko.
Kumuha rin agad ako ng tatlong arrow at inilagay ko 'yon sa bow ko, saka ako lumakad sa unahan nila. I then look at their leader at nagtagisan lang din kami ng tingin, habang unti-unti na siyang nilalamon ng virus.
"Aim for the heads, patayin niyo sila at walang ititira!" hiyaw kong muli saka ko pinakawalan ang tatlong palaso, saka ako tumakbo sa kaliwa at gaya ng inaasahan ko ay sumunod sila sa akin.
"Sugod!" hiyaw rin ni Fredrick sa mga kasama ko.
Hindi na rin sila nagalinlangan at tuloy-tuloy na rin ang pagpapakawala ko ng mga palaso habang tumatakbo para madali lang na makasugod ang mga kasama ko sa kanila. Marami rin agad kaming napabagsak, pero lahat sila ay bigla na lang bumaling kay Apollo, shit.
Sinakal din agad noong isa sa kanila si Apollo and I hurriedly shoot him with my arrow. Napalingon na lang din ako sa pagsuntok ng isa sa kanila sa akin na hindi ko inaasahan, bago ko siya tingnan habang nakatingin lang din siya sa akin. Sa inis ko ay tinusok ko agad ang mata niya ng daliri ko and he hurriedly yelled.
"Apollo run, just run at ako na ang bahala sa'yo," I yelled to Apollo.
Tumakbo na lang din siya ng mabilis habang hinahabol siya ng mga 'yon, at iyon ang hudyat para muli kaming kumilos. Tuloy ang pagbitaw ko ng palaso hanggang sa isang palaso na lang ang meron ako. Itinira ko na lang din agad iyon sabay takbo at hugot ng katana na dala ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/118392174-288-k611312.jpg)
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Misterio / SuspensoPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...