(Naya's POV)
Totoo ngang nakakabahala ang mga nangyayari sa ngayon dito sa school. Katulad nitong nakikita ko ngayon, kasalukuyan kasing may hila-hila ang mga guards na lalaking infected na ng venom. Sabi noong mga kaklase niya ay bigla na lang daw siyang nanugod ng mga kaklase niya habang nasa gitna sila ng PE class.
Alam ko dahil obviously ay narinig ko 'yon dahil nandito lang ako kanina pa at nagmamasid ng mabalitaan ko ang tungkol dito. Hindi ko nga alam kung bakit venom drugs ang itinawag noong mga gumawa niyang drugs na 'yan diyan, ang pangit naman pero mas pangit kung matuturukan ka noon.
Sa ilang araw rin na pagmamasid ko, totoo rin 'yong sinabi ni Styx na ilang gang ang nagme-merge. Tapos ngayon katulad kahapon nakakita na naman ako ng lalaking tulad noong mga nakaharap namin sa gym.
Matapos na dalahin ng mga guards ang nakuha nila na infected ay umalis na agad ako doon pagkaalis ng mga guards, college premises na naman kasi 'yong pinasok ko.
Sa ilang araw rin na pagmamasid ko may ilan lang akong napansin, 'yong mga nakikita nilang infected ng venom drugs ngayon they seemed to be more weaker kaysa sa nakita ko sa gym.
Nasasanay na rin ako na makakita ng katulad nila, hindi katulad noong una saka kay Joshua na halos mabaliw ako. Mabuti na lang nakapag-usap-usap na rin ang buong gang ukol sa lumalalang issue ng merging ng gangs, at tungkol sa issue sa venom at sa mga nawawalang estudyante.
Sa ngayon kagaya ng napagusapan, lahat ng activities namin ay nasa loob na ng dark village, bihira na rin kami sa hideout dahil medyo delikado pa rin doon. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa may dark village kaya dumiretso na lang din ako sa hideout, sabi kasi nila ay may meeting na naman kaya doon na ako didiretso.
Today is Wednesday and the last week of October at ang nakakatawa pa doon? November 1 falls on Saturday, cool di ba? 11:11 on November 1, Tsk.
"Saan ka na naman galing?" Halos mapatalon ako sa gulat ng dahil sa humiyaw sa likuran ko. "Kabayo!"
Nagtawanan lang sila dahil sa reaksiyon ko saka ko lang nakita kung sino ang nanggulat sa akin, talagang tinawanan pa nila ako samantalang gulat na gulat na nga ako.
"Langya bakit ba nanggugulat ka?" hiyaw ko kay Eos at nginisian lang naman niya ako. "Tinatanong kita kung saan ka galing," tanong niya muli sa akin.
"Sa room, may klase kaya kami," sagot ko sa kanya saka ko siya nilampasan. "Nyx said hindi ka pumapasok," he said again.
Napalingon na naman ako kay Eos saka ako napaiwas ng tingin.
"Ako? Hindi ah, pumapasok ako," agad kong pagtanggi.
Naupo na ako sa couch and they followed me. Wait nasaan na kaya ang iba?
"Nasaan ang iba? Akala ko ba may meeting?" tanong ko agad sa kanila saka ko kinuha ang pagkain sa bag ko. "Saan ka muna nanggaling?" tanong muli sa akin ni Styx.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Misteri / ThrillerPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...