GANGSTER 48

6.1K 137 0
                                    

(Eos's POV)





Nakaupo kaming lahat sa couch dito sa living room nung bumaba si Naya mula sa taas, akala ko aalis na siya rito pagkatapos noong eksena sa rabbit pero hindi siya umalis kahit na sinabi ni Apollo na babalik na siya sa dorm 13.


"Nag-text na ba ang daddy mo? wala pang balita si ate Selene," bungad sa kanya ni Styx.


Lumapit naman agad siya sa amin.


"Wala pa rin akong balita sa kanila," she answered.


Natahimik na ulit kami matapos noon, sakto namang pumasok na rin sina Apollo dito sa dorm namin.


"May balita na ba?" tanong agad nila.


Kasama niya si Rowell at Gio. Silang tatlo ang talagang magkakaibigan nina Joshua kitang-kita ko 'yon sa kanila kaya naiintindihan ko ang takot nila na baka mawalan sila ng kaibigan.


"Wala pa," agad kong sagot sa kanila.


Nagsiupo rin naman agad sila kasama namin saka kami muling natahimik, pero hindi pa man sila nagtatagal na nakaupo ay bigla na lang naming narinig na tumunog ang cellphone ni Naya. Halatang nagulat pa siya bago niya kinuha ang phone niya at chineck ang message. Nanlaki rin kaagad ang mga mata niya at napatingin siya sa amin saka siya napatayo at lumapit kay Apollo.


"Sabi ni Dad nagising na si Joshua, kausapin mo siya, tanungin mo kung kamusta? Okay na ba siya? Normal ba? Stable? Kilala niya ba tayo?" natataranta niyang sabi saka niya hinagis kay Apollo ang cellphone niya.


She then started walking facing back ang fort kaya hinila ko siya palapit sa akin at pinaupo ko siya sa tabi ko, sinunod naman agad ni Apollo ang gusto niya.


"Ano? Anong sabi? Okay daw ba? Ha?"


Nararamdaman ko na nanginginig ang kamay niya na hawak-hawak ko kaya hinawakan ko pa 'yon ng isa ko pang kamay.


"Naya, just calm down," I said na bigla niyang ikinatigil saka siya napabuntunghininga.


"Nagising na nga si Joshua at mukang okay na daw siya pero under-observation pa rin siya," Apollo said to us.


Bumakas naman agad ang ngiti sa mga muka nila, naiyak na rin ang iba pa at muling napabuntunghininga si Naya na katabi ko, natulala rin siya ng ilang segundo.


"Tama siya, ate Selene texted me the same news," Styx said also.


This is indeed a miracle. Napatayo si Naya na katabi ko kaya nabitawan ko ang kamay niya, mukang okay na siya.


"Okay, now tell this good news sa mga kasamahan natin Apollo," she said saka niya kinuha ang cellphone niya sa pinsan niya.


Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon