(Naya's POV)
Pagka-alis nila Mom ay lumapit agad kami sa gate ni Apollo saka namin iniabot sa guard na lumabas ang forms namin. Kinuha naman nila agad iyon at sinabihan kami na maghintay sandali, hindi naman nagtagal at mayamaya lang ay ibinalik na muli nila ang form namin, saka kami lumakad papasok kasama ang isa pang guard ng papasukin nila kami.
"Sakay," utos ng isang guard sa amin.
Sumakay naman agad kami sa mini bus na naghihintay sa amin, hindi na rin kami nagtanong at sinenyasan ko na lang din si Apollo para tumahimik siya. Ito siguro ang maghahatid sa amin sa mismong vicinity ng school, sa tantiya ko kasi ay malaki ang school na 'to, pagpasok mo kasi ay wala ka namang ibang makikita maliban sa guard house, mahabang kalsada at mapunong paligid.
Nai-kwento rin naman ng kambal noon na malaki nga talaga ito. Sa totoo lang nga ay napaisip na rin ako sa school na ito, bakit nga kaya sikat at maraming gustong makapasok sa school na 'to? Pati tuloy sina Kuya at si Apollo ay nahuhumaling dito. Ewan ko nga ba.
Matapos ang walang humpay na byahe at puro matataas na punong tanawin, another gate had shown in the end of this long road. We stop at hiniram muli ng bantay ang forms namin saka kami nag-hintay ulit ng ilang minuto, tapos mayamaya lang ay pinapasok na kami sa gate.
At dito ay nakakakita na ako ng ilang imprastraktura at mga estudyante. At ang masasabi ko na lang ay nandito na nga talaga kami. Masasabi ko rin mula dito na talagang malaki nga ang DR University, pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang kakaibang atmosphere sa lugar na ito at ang kakaibang tingin ng mga taong nadaraanan namin.
"Baba na," muling utos ng guard sa amin.
Bumaba na kami sa tapat ng mataas na building na nasa bungad ng gate matapos sabihin ng guard na bumaba na kami, ng lumakad naman siya ay sumunod lang din kami ng hindi na nagtatanong pa.
"Everyone was looking at us," Apollo whispered to me.
Hindi naman ako nag-abala na tingnan sila habang naglalakad kami papasok sa mataas na building na kinaroroonan namin, nararamdaman ko naman kasi iyon.
"Don't mind," tanging sagot ko sa kanya.
Natigil naman si Apollo sa pagbulong niya sa akin dahil sa sinabi ko. Ang ingay niya talaga, bakit kaya nila pinasama sa akin ang mokong na 'to? Tsk. Hindi ko na siya muling pinansin at dumiretso na lang din kami sa elevator na malapit sa entrance ng building, at ilang minuto lang ay bumukas na iyon. Hinintay lang din naman namin na lumabas ang mga sakay bago kami pumasok doon at ang guard na ang pumindot ng floor na pakay namin.
Nakapagtataka lang din na iisa lamang ang elevator ng mataas na building na 'to, hindi ba madalas magawi ang mga estudyante rito? Nagtataka man ay hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi nagtagal ay tumigil na ito sa pinaka-huling palapag, kaya pagbukas ng pinto ay nilingon ko agad si Apollo, hindi na ako nagsalita ng makita kong nakatingin din siya sa akin.
Sinenyasan din naman kami noong guard na lumabas na matapos nilang lumabas, nauna namang lumabas si Apollo dahil doon at sumunod lang ako sa kanya. Hindi pa man kami nakakalayo ay bigla na lang may sumulpot na guards at nagpaulan sila ng suntok kay Apollo, buti na lamang ay nakaiwas siya ng mabilis saka siya tumakbo pabalik sa akin.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Misterio / SuspensoPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...